• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

HOUSING FEES SA NAVOTAS, DI MUNA BABAYARAN

NAGPASA ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng ordinansa na hindi muna pababayaran ang maintenance fee sa pabahay at renta sa mga pasilidad nito.

 

Sa City Ordinance No. 2020-29, hindi muna magbabayad ang mga residente ng NavotaAs Residences sa Brgy. San Roque at NavotaAs Homes 1 at 2 sa Brgy. Tanza 2 ng P300 buwanang maintenance fee ng kanilang housing unit hanggang June ngayong taon.

 

Libre rin munang magagamit ang mga stall sa NavoKabuhayan at ang tatlong multi-purpose hall sa NavotaAs Homes 1 at 2 hanggang June.

 

Ang mga bayad na ibinigay para sa March hanggang June ay ituturing bilang kabayaran sa July 2020 at sa susunod pang mga buwan.

 

“Hindi na pinabayaran ang mga fee na ito noon pang March hanggang May 2020 base sa nakasaad sa City Ordinance No. 2020-12. Kinailangan naming mag-adjust ng validity period sa polisiyang ito dahil pinalawig ang Enhanced Community Quarantine sa Navotas hanggang May 31,” ani Mayor Toby Tiangco.

 

“Maraming mga pamilyang Navoteño ang naghihirap dahil sa pandemya ng COVID-19. May mga nawalan ng trabaho, may mga hindi na nakapasok dahil sa iba ibang rason. Hangad namin na mapagaan ang kanilang pasanin at makatulong sa pagharap nila ng krisis na ito,” dagdag niya. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Arrest warrant, maaaring iisyu ng ICC laban sa mga opisyal ng gobyerno ng PH – SolGen

    MAAARI umanong mag-isyu ng arrest warrant ang International Criminal Court (ICC) laban sa mga opisyal ng gobyerno ng Pilipinas ayon kay Solicitor General Menardo Guevarra.     Subalit nilinaw naman ng SolGen na ibang usapin ang pagpasok ng mga imbestigador ng ICC sa teritoryo ng Pilipinas kayat mahalaga ang kooperasyon nito sa pamahalaan.     […]

  • Gobernador ng Bulacan, pinasinayaan ang bagong gusali ng blood center at public health office

    LUNGSOD NG MALOLOS – Upang matiyak ang sapat na suplay ng ligtas na dugo para sa mga Bulakenyo sa pamamagitan ng boluntaryong donasyon ng dugo, pinasinayaan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamumuno ni Gob. Daniel R. Fernando ang bagong pasilidad ng Provincial Blood Center at Provincial Health Office – Public Health sa Bulacan Medical […]

  • 50K tauhan ng PNP, BFP idineploy

    Mahigit sa 50,000 tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire Protection (BFP) ang idineploy ng pamahalaan para matiyak ang maayos na daloy ng national COVID-19 vaccine rollout sa bansa.     Kasunod na rin ito nang inaasahang pagbabakuna ng pamahalaan ngayong Hunyo ng may 35.5 milyong manggagawa na nasa ilalim ng A4 […]