Housing turnover ceremony, pinangunahan ni PBBM
- Published on December 6, 2022
- by @peoplesbalita
NANGAKO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tutugunan nito ang ‘housing gaps’ sa Pilipinas.
Si Pangulong Marcos ay nasa Naic, Cavite kung saan pinangunahan ang ‘awarding of certificates’ ng house and lot sa mga benepisaryo ng housing project ng National Housing Authority (NHA).
Tinatayang nasa 30,000 housing units na ang naipamahagi sa buong bansa.
“Ito ay isang kongkretong hakbang tungo sa pagkamit ng ating pangarap na mabigyan ng maayos na matitirahan ang ating mga kababayan. Ito ay malinaw na nagpapakita ng inyong dedikasyon sa inyong sinumpaang tungkulin,” ang bahagi ng talumpati ni Pangulong Marcos.
“Nanatili ang ating layunin ng makakapagpatayo ng dekalidad at murang pabahay para sa bawat pamilyang Pilipino, lalo na para sa mga mahihirap na ating mga kababayan,” dagdag na wika nito.
Hinikayat naman ng Pangulo ang NHA at iba pang concerned agencies at stakeholders na ipagpatuloy lamang ang pagbibigay sa publiko ng matitirhan at bigyan ang mga ito ng pagkakataon na makapaghanapbuhay.
“Kasabay ng mga tirahang ibinabahagi natin, tiyakin natin na mabigyan din natin sila ng pagkakataon na makapag-hanapbuhay at magamit ang kanilang mga kakayahan at talino tungo sa kanilang tuloy-tuloy na pag-unlad,” ayon kay Pangulong Marcos.
“Patuloy ninyong pagtibayin ang pakikipag-ugnayan sa mga kaakibat na ahensiya, mga lokal na pamahalaan, at mga pribadong organisasyon. Hangarin natin na matiyak na may sapat na suporta ang lahat ng mga benepisyaryo ng mga bagong tirahang ito,” aniya pa rin.
Sa ilalim ng Marcos administration, ang Department of Human Settlements and Urban Development’s (DHSUD) Pambansang Pabahay para sa Pilipino program ay naglalayong magtayo ng isang milyong housing units kada taon o may kabuuang anim na milyong housing units sa loob ng anim na taon ng kasalukuyang gobyerno.
Samantala, inalala naman ng Punong Ehekutibo ang Bagong Lipunan Improvement of Sites and Services (BLISS) project ng kanyang ina na si dating Unang Ginang Imelda Marcos.
Sinabi pa ng Pangulo na pag-aaralan ng kanyang administrasyon ang pagtatayo ng high-rise housing projects.
“Kung maalala niyo ‘yung BLISS, ‘yung project ng BLISS, diyan nag-umpisa ang mid-rise na ilang five storeys, six storeys na building. At mukha namang maganda at marami talagang kumuha, nagkaroon sila ng sarili nilang tirahan,” ayon kay Pangulong Marcos.
“Ngunit ngayon dahil mahirap na, siguro baka pataasin pa natin. Baka puwede na nating itaas hanggang high-rise na. Ngunit pinag-aaralan natin ito siguro case-to-case ito,” anito. (Daris Jose)
-
Kung anu-anong isyu na ang lumutang: Relasyon nina ZANJOE at RIA, patuloy na pinagdududahan
ANO nga ba at ‘di mamatay-matay ang issue between Zanjoe Marudo and Ria Atayde? Ando’ng mapabalitang sila na ang magkarelasyon, o diumano’y nagpakasal na sa kung saang lupalop ng daigdig and lately may mga tsika pang umalis ng bansa ang dalaga dahil infanticipating daw ito at itatago ang pangangaganak sa kung saan. Ang totoo? Parang […]
-
Magpo-propose at pakakasalan uli: RUFFA, ‘di sineseryoso si YILMAZ na gustong makipagbalikan
MAY rebelasyon si Ruffa Gutierrez tungkol sa kanyang ex-husband na si Yilmaz Bektas. Ayon kay Ruffa, madalas na raw silang nagkaka-usap. At nagsabi raw ito na gustong mag-propose muli sa kanya. “Sabi niya, gusto raw niyang mag-propose muli sa akin at pakasalan ako. Sabi ko naman, is that a joke?!” Hindi na pala nag-asawang muli […]
-
Sapat ang relief packs para sa mga taga Misamis Occidental na apektado ng matinding pagbaha
MAY sapat na relief packs para sa mga residenteng apektado ng matinding pag-uulan sa Misamis Occidental Ito ang ginawang pagtitiyak ni Misamis Occidental Rep. Sancho Fernando Oaminal kasunod na rin ng matinding mga pag-uulan at pagbaha sa kanilang rehiyon. Ayon sa mambabatas, maliban sa naka-preposition na food packs at […]