‘Hulihin na’: Apollo Quiboloy ipinaaaresto ng Senate committee
- Published on March 7, 2024
- by @peoplesbalita
INIREKOMENDA na ng Senate committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality na ipaaresto ang religious leader na si Apollo Quiboloy dahil sa patuloy na pag-isnab sa mga pagdinig kaugnay ng reklamong pang-aabuso sa miyebro.
Ito ang binasa ni committee chair Sen. Risa Hontiveros sa kanyang opening statement ngayong Martes sa pag-asang makunan siya ng tesimonya.
“Pursuant to Section 18 of the Rules of the Senate, as chair of the Committee, with the concurrence of one member here with me, I cite in contempt APOLLO CARREON QUIBOLOY for his refusal to be sworn or to testify before this investigation,” wika ni Hontiveros.
“This committee requests the Senate President [Juan Miguel Zubiri] to order his arrest so that he may be brought to testify.”
Ipinapa-subpoena ng Senado at Kamara si Quiboloy — na nag-aasang “Appointed Son of God” — kaugnay ng diumano’y reklamong sexual abuse at franchise violations ng kanyang Sonshine Media Network International (SMNI). (Daris Jose)
-
5M plastic cards, inaasahang maipapasakamay sa DOTR bago matapos ang 2023
INAASAHANG maipapasakamay sa Land Transportation Office ang hanggang limang milyong plastic cards para sa driver’s license ng mga motorista, bago matapos ang kasalukuyang taon. Ayon kay Land Transportation Office Chief Vigor Mendoza II, inaasahan ang delivery ng mga nasabing plastic cards, sa pamamagitan ng 500,000 cards o higit pa, bawat buwan. […]
-
Sara Duterte-Carpio, ‘klaro’ na ‘di tatakbo sa ilalim ng PDP-Laban — Cusi
Malinaw sa mga naging pahayag ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio na hindi siya tatakbo sa ilalim ng PDP-Laban, ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi na pinuno rin ng partido. Inihayag ito ni Cusi sa gitna ng mga ispekulasyon na ipapalit ito kay Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na pambato ng partido […]
-
Ex-top prosecutor nahalal bilang bagong presidente ng South Korea
NAHALAL bilang bagong pangulo ng South Korea ang oposisyon at dating top prosecutor na si Yoon Suk-yeol sa ginanap na halalan nitong nakalipas na Miyerkules. Nanguna si Yoon na nakakuha ng 48.6% na boto laban sa ruling liberal party Democratic candidate na si Lee Jae Myung na nakatipon ng 47.8% votes mula sa […]