• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Humbling experience na ginu-groom na ‘next big star’: RURU, feeling blessed and thankful sa opportunity na ibinigay ng GMA

ISA si Ruru Madrid sa ginu-groom ng GMA Network to become it’s next big star.

 

 

Feeling blessed and thankful si Ruru sa opportunity na ibinigay sa kanya ng GMA at ng Sparkle (bagong tawag sa Artist Center na pinamumunuan ni Johnny Manahan).

 

 

Humbling experience daw ito for Ruru dahil alam niya na maraming mga artists na deserving din to be given a break.

 

 

“But sabi nga nila, you should never take for granted the opportunity that is being presented to you. As for me, I always give my best in every project I undertake, and I am also willing to learn and do whatever it takes to improve my craft as an artist.   “I think one way of showing gratitude is by giving your best performance as an artist. Yung makita mong masaya ang lahat sa nakikita nila sayo bilang artista on- and off-cam,” pahayag ni Ruru.

 

 

“I want to claim that it will be a better year. I want to prove to myself that I can do more and learn new things that will help me in my career and as a person. I’ll be more visible and more active and hopefully, I can give back to my fans and supporters the kind of performance they expect from me.

 

 

Watch out for Lolong, one of the biggest projects of GMA this year. Maybe a movie is forthcoming and of course, my YouTube channel.”

 

 

Kasisimula lang ni Ruru sa kanyang YouTube channel kung saan pwede niya ma-express ang kanyang sariling pananaw pati ang success stories ng ibang tao.

 

 

Ang gusto raw niya na mangyari ay maka-inspire sa mga tao ang You Tube channel niya by featuring successful people.

 

 

***

 

 

PAHAYAG ni Denise O’Hara na mahuhusay lahat ang mga artistang nakakatrabaho niya sa pelikula.

 

 

“Happy ako sa willingness ng mga artista ko to work with each other. Everyone worked to come up with good film. Mahuhusay ang mga artista ko rito,” sabi ni Direk Denise with Louise delos Reyes, Diego Loyzaga and Cara Gonzales, her actors sa Vivamax film na The Wife.

 

 

***

 

 

LOUISE delos Reyes plays the lead role sa bagong Vivamax offering na The Wife.

 

 

Talking about her role, palaban daw siya pagdating sa pag-ibig. Kung ano raw ang ginawa ng karakter niya sa movie ay ganito rin ang gagawin niya.

 

 

Ipaglalaban niya ang kanyang husband. “Iba kasi pag kasal kayo. Pag maganda ang foundation ng marriage ninyo, ipaglalaban mo talaga,” sabi ni Louise.

 

 

“Ano ang kaya kong gawin for love? Kung makikita ko na mayroon pa rin future, hindi ako mag-give up.”

 

 

Iniisip din ni Louise na if ever she settles down in the future, she will do everything to become a good wife.

 

 

The Wife will be streamed sa Vivamax on February 11.

(RICKY CALDERON)

Other News
  • Mga paraan para mapigil ang pagtatapon ng basura sa karagatan, tinalakay

    NAGSASAWA  nitong Lunes ang House committee on Ecology, na pinamumunuan ni Rep. Marlyn Alonte (Biñan City) ng organizational na pulong, at inaprubahan ang Internal Rules of Procedure nito.     Sinabi ni Alonte na ang hurisdiksyon ng komite ay sumasaklaw sa lahat ng mga bagay nang direkta at pangunahing may kaugnayan sa pamamahala ng ecosystem, […]

  • 4 na lungsod sa NCR nabakunahan na ang kalahati ng populasyon

    May apat na lungsod sa National Capital Region (NCR) ang nakalahati na ng kanilang populasyon ang naturukan ng first dose ng COVID-19 vaccine.     Nangunguna rito ang San Juan City kung saan mayroong halos 70,000 sa populasyon nito o 81.5% sa lungsod ang naturukan ng unang dose ng COVID-19 vaccine.     Sumunod ang […]

  • PBBM, nagtalaga ng OICs sa newly-created Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur

    ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sina Abdulraof A. Macacua at Bai Mariam S. Mangudadatu bilang mga  officers-in-charge sa mga bagong nilikha na lalawigan na Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur.  Tanging si Macacua lamang ang nanumpa bilang Maguindanao del Norte OIC. Pinili ng Pangulo si Macacua na pangunahan ang Maguindanao del Norte […]