• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hungarian foreign minister, nag-courtesy call kay PBBM

MAINIT na tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Hungarian Minister of Foreign Affairs and Trade Peter Szijjarto sa Palasyo ng Malakanyang.

 

 

Ang courtesy call ni Szijjarto sa Pangulo ay naglalayon na palakasin ang ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Hungary.

 

 

”Well, I’m very happy to welcome you once again to the Philippines,” ang sinabi ni Pangulong sa naging courtesy call ni Szijjarto sa kanya.

 

 

”I hope that with all that is happening around the world and all of the opportunities, of course there are challenges, and all the opportunities also that is — that we’ll be able to hopefully forge new relationships,” dagdag na wika ng Pangulo.

 

 

Binanggit naman ng Punong Ehekutibo na maraming mga Filipino ang mas pinili na manirahan at magtrabaho sa Hungary.

 

 

“And so, it seems that they have found a new place for them to find some better opportunities for themselves. But welcome once again to the Philippines,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Bilang tugon, pinasalamatan ni Szijarto si Pangulong Marcos sa mainit na pagtanggap sa kanya.

 

 

”Thank you so much for the invitation. You have great secretaries with whom I’ll be working together for a long time. This is the third occasion that I have the honor to visit your fantastic country,”ayon kay Szijarto.

 

 

Ani Szijarto, nananatiling may malaking pagkakataon para sa improvement sa ugnayan sa pagitan ng dalawang bansa. (Daris Jose)

Other News
  • 5.1 milyong botante, dine-activate ng Comelec sa voter’s list; 240K, tuluyang inalis

    UMAABOT na sa mahigit 5.1 milyong botante ang dine-activate ng Commission on Elections (Comelec) sa voter’s list habang mahigit 240,000 naman ang tuluyan nang inalis.         Ayon kay Comelec Chairperson George Erwin Garcia, kabuuang 5,105,191 rehistradong botante ang na-deactivate sa opisyal na listahan ng mga botante matapos ang isinagawang ERB hearing noong […]

  • Utos ng COA sa SEC, i-refund ang mahigit sa ₱92.7M na ‘irregular salaries’

    IPINAG-UTOS ng Commission on Audit (COA) sa  Securities and Exchange Commission  na i-refund ang mahigit sa ₱92.7 milyong piso na ipinasahod sa mga opisyal at empleyado na natuklasang ‘irregular.’     Binasura ng COA ang  motion for reconsideration na inihain ng SEC at dating chairperson nito na si  Atty. Theresa Herbosa.     Pinagtibay ng […]

  • ‘Matagumpay ang COVID-19 response, kung wala ng bagong kaso sa loob ng 28-days’ – DOH

    Iginiit ng Department of Health (DOH) na wala pa ring katiyakan ang sitwasyon ng COVID-19 sa Pilipinas kahit bahagyang bumaba ang mga bagong kaso ng sakit na naitala sa nakalipas na araw.   Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, naka-depende pa rin sa ipinapasang data ng Disease Reporting Units (DRUs) ang numero ng kanilang […]