‘Huwag kang pa-victim’, pahayag ng mambabatas kay VP Sara Duterte
- Published on November 22, 2024
- by @peoplesbalita
TINAWAGAN ng pansin ni House Majority Leader Manuel Jose Dalipe ng Zamboanga City si Vice President Sara Duterte sa kalkuladong estratehiya nitong pag iwas para maiwasan umano ang accountability sa alegasyon ng misuse ng P612.5 milyong confidential funds na nakalaan sa Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) sa ilalim ng kanyang pamunuan.
“Huwag kang pa-victim. Tama na ang pambubudol. The Vice President should stop using her staff as human shields. It is about time she face Congress, answer the questions and stop blaming others for her failures and fear of accountability,” ani Dalipe.
Reaksyon ito ng mambabatas sa pahayag ni Duterte na hindi dapat gisahin ang kanyang mga staff at officials, na hindi naman mga pulitiko, dala ng confidential funds.
“The Vice President has been hiding while letting her staff take the heat. This is pure cowardice disguised as victimhood,” dagdag ni Dalipe.
nakapagsagawa na ang House Committee on Good Government and Public Accountability, o kilala bilang House Blue Ribbon Committee, ng anim na pagdinig para imbestigahan ang kywestiyonableng paggamit ng confidential funds ng OVP at DepEd.
Sa kabila ng bigat ng isyu, isang beses lamang dumalo si VP Duterte kung saan noong una ay tumanggi itong manumpa, nagbasa lang ng preparadong statement, at umalis ng walang tugon sa pagtatanong ng mga kongresista.
“After six hearings, why has she refused to appear again? Instead, she sends career officials who have no personal knowledge of how these funds were used,” pahayag pa ni Dalipe.
(Vina de Guzman)
-
JOHN, overwhelmed dahil nakasama sa cast ng movie ni NORA; approachable at sobrang bait ng Superstar
OVERWHELMED ang newbie singer na si John Gabriel dahil nakasama siya sa cast ng Kontrabida, ang bagong movie ni Superstar Nora Aunor. Sobrang saya at kabado raw siya nang malaman na kasali siya sa movie. Sino ba raw naman ang di kakabahan sa oportunidad na makasama ang isang superstar at multi-awarded actress? […]
-
NAVOTAS NAGAMIT NA LAHAT NG ASTRAZENECA ALLOCATION
NAGAMIT na lahat ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang allocation ng Oxford-AstraZeneca Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) vaccines. Ang Navotas ay nakatanggap ng 1,586 vials ng AstraZeneca mula sa national government’s March at May vaccine distribution. Ang bawat vial, depende sa manufacturer ay maaaring maglabas ng siyam hanggang 10 buong dosis. Hanggang […]
-
Medical insurance rule para sa mga college students sa face-to-face classes tinanggal na ng IATF
INALIS ng COVID-19 task force ng bansa ang medical insurance requirement para sa mga estudyanteng pumapasok sa limited face-to-face classes. Pinayagan ng gobyerno sa unang bahagi ng taong ito ang mga kolehiyo at unibersidad sa ilalim ng COVID-19 Alert Level 1 na magsagawa ng face-to-face classes sa buong kapasidad, ngunit ang mga pumapasok sa […]