HVI tulak, kasabwat nalambat sa Caloocan drug bust
- Published on March 20, 2025
- by @peoplesbalita
LAGLAG sa selda ang dalawang drug suspects, kabilang ang isang High Value Individual (HVI) matapos makuhanan ng mahigit P.3 milyong halaga ng shabu nang maaresto sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.
Sa ulat, nagpositibo ang natanggap na impormasyon ng mga opertatiba ng Northern Police District – District Drug Enforcement Unit (NPD-DDEU) hinggil sa umano’y illegal drug activities ni alyas “Ronron”, 24, driver ng Brgy. 145.
Nang magawang makipagtransaksyon sa suspek ng isa sa mga operatiba ng DDEU na nagpanggap na buyer, ikinasa nila ang buy bust operation sa koordinasyon sa PDEA.
Nang matanggap ang signal mula sa isa nilang kasama na positibo na ang transaksyon, agad lumapit ang mga operatiba ng DDEU saka dinamba ang suspek, kasama ang kasabwat na si alyas “Drey”, 20, sa Mapayapa St., Brgy. 145 dakong alas-2:42 ng madaling araw.
Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 50 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P340,000 at buy bust money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sections 5, 11, at 26 ng Article II ng RA 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Pinuri naman ni PCol. Josefino Ligan, Acting District Director ng NPD ang hindi natitinag na dediskayon ng DDEU. “We are fully committed to aggressively pursuing drug syndicates and dismantling their networks. Our fight against illegal drugs will continue until our communities are free from this menace,” giit niya. (Richard Mesa)
-
Quad panel sinabihan ang OSG mag file ng forfeiture cases laban sa mga POGO bosses
Iminungkahi ng House Quad Committee ang Office of the Solicitor General na maghain ng forfeiture cases laban sa mga top Chinese personalities na nakabili ng lupa sa Pampanga at nanawagan ng legal na aksiyon. Hinikayat din ng mga chairpersons ng House Committees on Dangerous Drugs, Public Order and Safety, Human Rights, and Public […]
-
ERC, may refund order para sa bill ng ilang Meralco consumers
Naglabas na ang Energy Regulatory Commission (ERC) ng refund order para ibalik ng Meralco ang sobrang nasingil sa kanilang consumers para sa panahon ng enhanced community quarantine (ECQ). Kasunod ito ng pagdami ng mga reklamo laban sa napakataas na bayarin ng mga residente ng Metro Manila at mga karatig na lugar. Ayon kay […]
-
Disbarment complaint laban kay FPRRD, inihain sa SC
NAGHAIN ng disbarment complaint ang pamilya ng mga bitkima ng extrajudicial killings o EJK laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa tanggapan ng Korte Suprema, Enero 17. Giit ng pamilya ng mga biktima ng EJK, bitbit ang mga plakards na walang karapatan at hindi karapat-dapat na maging abogado ang dating pangulo. Sinabi ng abogado […]