‘I apologize’: Spence injured ang mata, laban vs Pacquiao hindi muna tuloy
- Published on August 13, 2021
- by @peoplesbalita
Humingi ng tawad at dissappointed ang Amerikanong boksingero na makakaharap dapat ni Manny Pacquiao matapos hindi ituloy ang kanilang napipintong laban ngayong buwan dahil sa pinsalang tinamo sa mata.
Ang anunsyo ni Spence ay kanyang ibinahagi sa kanyang Instagram post ngayong Miyerkules (oras sa Pilipinas).
“I am very disappointed that I won’t be able to fight Manny Pacquiao on August 21st. Unfortunately, the doctors found a small tear in my eye and said I need to get surgery ASAP,” sabi ni Spence kanina sa isang paskil online.
“There is no way I can fight with my eye in that condition I would like to apologize to everyone and thank you all for the support, You know I’ll be back soon, I’ve came back from worse.”
Matatandaang natalo ni Ugas si Abel Ramos nitong Setyembre at hinirang na WBA welterweight champ matapos itong bawiin kay Pacquiao bunsod ng “inactivity.”
Si Spence ang kampeon sa parehong division ng International Boxing Federation simula 2017 at World Boxing Council simula 2019.
“I came back from worse. Went to three different doctors all said the same thing I’ll be back for the winner for sure. I was taught to get through it and keep going,” patuloy ng Amerikano.
Ipinagdarasal naman ngayon ni Pacquiao ang agarang paggaling ng orihinal na makahaharap, ayon sa isang pahayag. “Thank God his physical examination discovered his eye condition before he suffered any further damage,” wika ng Pinoy boxer.
“I have agreed to fight Yordenis Ugas on August 21 for the WBA welterweight super championship. The proper way and the only way to win a world title is inside the ring.” —
-
PALENGKE, GROCERY SA NAVOTAS, ISASARA TUWING LUNES
DAHIL sa pagdami ng mga nahawaan ng COVID-19, isasara tuwing Lunes ang mga public market, grocery, at talipapa sa Navotas para sa general cleaning at disinfection, base sa Executive Order No. TMT-016 na nilagdaan ni Mayor Toby Tiangco. Aniya, ang mga lugar at establisimiyentong ito ay nananatiling puntahan ng maraming tao kaya mahalagang […]
-
PBBM, nakiisa sa pagsisimula ng Ramadhan
NAKIISA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Filipino Muslim community sa bansa at sa buong mundo sa pagsisimula ngayong araw ng Huwebes, Marso 23, ng Holy Month of Ramadhan. “In the name of Allah, the Most Gracious, the Most Merciful, I join the Filipino Muslim community here and around the world as they […]
-
Tumatanaw ng ‘utang na loob’ at forever na nakasuporta: SHARON, special guest nina TITO, VIC at JOEY sa pagsisimula ng bagong noontime show
SI Megastar Sharon Cuneta ang special guest nina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon at ang Legit Dabarkads sa pagsisimula sa araw na ito, July 1 ng new noontime show nila sa TV5 na sinasabing ‘This Is Eat!’ ang titulo. Sa Instagram account ni Sharon, pinost niya ang short at may caption […]