• November 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

“I wish them the best”, ang ipinaabot ni Sec. Roque sa 1Sambayan nominees na sasabak sa 2022 elections

“I wish them the best.”

 

Ito ang iniaabot ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa mga 1Sambayan nominees na sasabak sa 2022 elections.

 

“Dalawa lang ang tumanggap, si Vice President Robredo at former Senator Trillanes. I wish them the best kaso mukhang mahirap talaga ang kausap ng 1Sambayan kasi karamihan ng na-nominate ay tumanggi,” ayon kay Sec. Roque.

 

Sa ulat, anim ang pagpipilian para sa magiging kandidato ng 1SAMBAYAN, ang united opposition para sa pagka-pangulo sa Halalan sa 2022.

 

Kasama rito sina Vice-President Leni Robredo, Senador Grace Poe, dating Senador Sonny Trillanes, Jesus Is Lord movement founder at CIBAC Rep. Eddie Villanueva, Batangas Rep. Vilma Santos-Recto, at Atty. Chel Diokno.

 

Mula rin sa kanila puwedeng manggaling ang kakandidato para sa pagka-bise presidente.

 

Samantala, kinumpirma naman ni Sec. Roque na hinihikayat ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang television host na si Willie Revillame na tumakbo sa pagka-senador o bilang pangulo ng bansa.

 

“Kinukumpirma ko po iyan,” diin pahayag ni Sec. Roque.

 

Samantala, hindi pa nagtatakda ng pulong si Pangulong Duterte kay PDP Laban party-mate Senator Manny Pacquiao, na humingi ng miting sa kanya sa gitna ng “simple misunderstanding” sa loob ng ruling party.

 

Nag-ugat ang hindi pagkakaunawaan nang hilingin ni Pacquiao, acting PDP-Laban president, sa mga miyembro ng partido na huwag dumalo sa May 31 national council meeting  na inorganisa ni Energy Secretary Alfonso Cusi.

 

Subalit, natuloy din naman ito sa pamamagitan ng matapos na sabihin ng Malakanyang na may basbas ni Pangulong, chairman ng partido ang nasabing pulong. (Daris Jose)

Other News
  • EO sa paglikha ng water resources management office sa DENR, oks kay PBBM

    TININTAHAN ni Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. ang isang  executive order para sa pagtatayo ng  Water Resources Management Office (WRMO) sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na naglalayong  pagsama-samahin  ang pagsisikap ng pamahalaan na tiyakin ang “availability at sustainable management” ng water resources sa bansa.     Sa ilalim ng  Executive Order No. […]

  • Ex-NBA star Rajon Rondo naghain ng guilty plea sa mga kaso niya

    NAGHAIN ng guilty plea si dating NBA star Rajon Rondo sa kinakaharap nitong kasong kriminal.   Nahaharap kasi si Rondo ng iligal na pagdadala ng baril sa Indiana.     Ang nasabing paghain nito ng guilty plea ay para maibasura na ang kasong possession of marijuana at possession of paraphernalia.     Bilang bahagi ng […]

  • Halos 8.5 million mananakay, naserbisyuhan ng libreng sakay ng MRT-3 sa unang buwan ng programa.

    AABOT sa halos 8.5 million mananakay ang naserbisyuhan ng libreng sakay ng Metro Rail Transit Line 3 sa unang buwan ng program.     Ayon sa pamunuan ng MRT-3 na nasa kabuuang 8,472,637 ridership mula Marso 28 hanggang Abril 30.     Nakitaan ng 27.8% na pagtaas ang average number ng mga pasaherong sumasakay sa […]