IATF, binago ang panuntunan para sa Green Lanes para sa international arriving passengers
- Published on October 15, 2021
- by @peoplesbalita
BINAGO ng Inter-Agency Task Force ang mga panuntunan para sa Green Lanes para sa international arriving passengers epektibo kahapon Oktubre 14, 2021.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na para sa mga fully vaccinated foreign nationals, ang negative RT-PCR test ay required na isasagawa sa loob ng 72 hours bago pa ang kanilang departure mula sa bansang kanilang panggagalingan.
“Upon arrival, no facility-based quarantine will be required but the passenger is enjoined to self-monitor for any symptoms until the 14th day. On the other hand, for fully vaccinated Filipinos, they can choose facility-based quarantine until the release of a negative RT-PCR test taken in the quarantine facility upon arrival, or no facility-based quarantine after getting a negative RT-PCR test within 72 hours prior to departure from the country of origin but the the passenger is enjoined to self-monitor for any symptoms until the 14th day,” ayon kay Sec. Roque.
Para naman sa mga unvaccinated, partially vaccinated, o indibidwal na ang vaccination status ay “cannot be independently verified,” at iyong mg bakunado subalit nabigong mag-comply sa test-before-travel requirements, kailangan na sumailalim ang mga ito sa facility-based quarantine hanggang maipalabas ang negative RT-PCR test na isasagawa sa pang-5 araw.
Sa kaso naman ng mga foreign nationals, required ang mga ito na kumuha ng hotel reservations “for at least 6 days.”
Samantala, ang mga unvaccinated o partially vaccinated minor children na bumiyahe kasama ang kanilang fully vaccinated na magulang o guardians ay required na sumunod sa quarantine protocols na naaayon sa kanilang vaccination status.
Ang magulang /guardian ay kailangang samahan ang bata sa quarantine facility para sa full term facility-based quarantine period ng bata.
Para i- validate ang kanilang vaccinate status, ang mga overseas Filipino workers at ang kanilang asawa, magulang at o mga anak na bibyahe sa Pilipinas o sa ibang bansa, non-OFWs vaccinated sa Pilipinas at sa ibang bansa at mga dayuhan na bakunado
ay maaaring mag-presenta ng alinman sa VaxCertPH digital certificate, Bureau of Quarantine (BOQ) / World Health Organization (WHO) –na ipinalabas ng International Certificate of Vaccination or Prophylaxis (ICV), o ng national digital certificate ng foreign government kung saan sila maaaring bakunahan.
Sa kaso naman ng dayuhan na binakunahan sa ibang bansa, maaari silang mag-presenta ng WHO-issued ICV, o national digital certificate ng foreign government na mayroong “accepted VaxCertPH” sa ilalim ng reciprocal agreement.
At ang panghuli, inaprubahan ng IATF at in-adopt ang revisions ng Guidelines on the Implementation of Alert Levels System para sa COVID-19 Response sa mga Pilot Areas. (Daris Jose)
-
NTF, pinag-aaralan na ngayon na makasama ang 12-17 yrs old na mga kabataan sa vaccination program ng pamahalaan
PINAG-AARALAN na ngayon ng National Task Force Against Covid-19 na makasama ang mga kabataan na may edad na 12-17 taong gulang sa vaccination program ng pamahalaan. Pinagbatayan ni Secretary Carlito Galvez Jr. ang patuloy na pagdating ng mga bakuna laban sa Covid- 19 sa bansa. Tugon na rin ito ni Galvez sa ulat […]
-
Relasyong PIOLO at SHAINA, maraming kinikilig at meron ding hindi naniniwala
BIGLANG lumitaw sa social media ang tila foursome date nina Jodi Sta. Maria at Raymart Santiago at sina Piolo Pascual at Shaina Magdayao. Base sa mga pictures na lumabas, madaling isipin na may relasyon between Piolo and Shaina. Marami naman kaming nabasang mga netizen na kinikilig sa kanilang dalawa. May mga […]
-
99,600 doses ng Moderna vaccine ibibigay sa Overseas Filipino workers at seafarers- Galvez
MAY kabuuang 99,600 doses ng Moderna vaccine ang dumating sa bansa kahapon, Hunyo 29. Ang mga bakunang ito ay ibibiigay naman sa Overseas Filipino Workers at Seafarers. “Ibibigay namin ‘to sa mga OFWs at seafarers na pinangakuan natin at sa ating mga frontliners na kailangang kailangan po, ‘yong different government employees po natin,” […]