• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

IATF, hinihintay ang desisyon ni PDu30 sa paggamit ng face shield – Roque

HANGGANG sa kasalukuyan ay hindi pa rin inaaprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) for COVID-19 response ukol sa face shield requirement.

 

“Meron na pong desisyon,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

“Pero ito po ay for approval and possibly for announcement by the President himself,” dagdag na pahayag nito.

 

Samantala, ang mga Metro Manila mayors at ilang bilang ng local executives, kabilang na ang anak ni Pangulong Duterte na si Davao City Mayor Sara Duterte ay isinantabi rin ang face shield requirement sa gitna ng bumababang COVID-19 cases sa buong bansa.

 

Nauna rito, nagbabala ang Malakanyang sa mga alkalde na sumasalungat sa mandatory face shield policy para sa mga ‘crowded at enclosed spaces.’

 

Kasunod ito ng pagpapatigil ng lungsod ng Davao, Manila, Iloilo sa pagsusuot ng face shield sa labas ng hospital setting.

 

Ayon kay Sec. Roque, ang lahat ng alkalde sa bansa ay nasa ilalim ng kontrol at pangangasiwa ng pangulo kaya’t dapat masunod pa rin ang polisiyang pagsusuot ng face shield.

 

Aniya, matitigil lamang ang pagsusuot ng face shield kung ipag-uutos ito ng Inter-Agency Task Force (IATF).

 

Kasabay nito, umapela si Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa mga Local Government Units na hintayin muna ang desisyon ng IATF bago maglabas ng executive order kaugnay sa pagsusuot ng face shield. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Philippians 4:7

    The peace of God surpasses all understanding.

  • Sentimyento ni Santiago

    NAKAHANDANG harapin ni volleyball star Alyja Daphne ‘Jaja’ Santiago ang lahat ng pagsubok na darating pa sa kanyang buhay at playing career.   Ikinuwento ng balibolistang Pinay sa Fivb.com ang naging karera niya sa Japan bilang import ng Saitama Ageo Medics sa Japan V.Premier League.   “Ending the season with a podium finish in the […]

  • Leody de Guzman, Sen. Sotto, nag-concede na

    NAGPAHAYAG na ng pagtanggap sa pagkatalo sa halalan si labor leader Leody de Guzman.     Aminado itong naging mabigat ang hamon ng halalan, ngunit kanila itong pinagsikapang kayanin.     Nagpasalamat naman siya sa mga tagasuporta at nangakong ipagpapatuloy ang pagtatanggol sa sektor ng mga manggagawa.     Samantala, nag-concede na rin si vice […]