• April 20, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sentimyento ni Santiago

NAKAHANDANG harapin ni volleyball star Alyja Daphne ‘Jaja’ Santiago ang lahat ng pagsubok na darating pa sa kanyang buhay at playing career.

 

Ikinuwento ng balibolistang Pinay sa Fivb.com ang naging karera niya sa Japan bilang import ng Saitama Ageo Medics sa Japan V.Premier League.

 

“Ending the season with a podium finish in the Japan V.League was very fulfilling as an athlete. All the hard work and sacrifices that my team Ageo Medics made were worth it in the end,” dada ni Jaja.

 

Sa kanyang ikalawang season kasama ang koponan, paitas nina Santiago ang bronze medal sa torneo.

 

“As a Filipina volleyball player, it was really an overwhelming experience. It was an honour to represent my country and at the same time to win a medal in Japan,” wika niya.

 

Ibinahagi rin ng kapatid ng isa pang volleybelle na si Aleona Denise ‘Dindin’ Santiago-Manabat, na sa kanyang unang taon sa Land of the Rising Sun ang kanyang mga adjustment, hirap sa training at ang mahiwalay sa kanyang mga mahal sa buhay.

 

“Above all, I learned to be a professional athlete by becoming more disciplined, being more focused and prepared for each match. I have learned a lot from this experience, but I will not stop here. Every opportunity is a challenge to conquer and every challenge is a chance to learn something new,” litanya ng dalaga.

 

Sa katapusan, nakahanda ang 24-anyos na may taas na 6-5 na middle blocker/opposite heitter na kung may pagkakataon payag siyang maglaro para sa PH national team.

 

Kahit kabilang sa Japan team kumakayod din si Santiago sa Philippine SuperLiga o PSL.

Other News
  • DISCLAIMER

    Notice is hereby given that our company disclaims the existence of any paid advertisement in our newspaper relating to a “Notice to the Public” against Jamaica Casano Diaz that even included the name of FPG Insurance Corporation, Inc.  We also disclaim any relationship or association with a certain “Nathaniel Grande”, the alleged author of the […]

  • Dahil hindi nakumpleto ang hinihingi ng MTRCB: ‘Pepsi Paloma’ movie ni Direk DARRYL, ‘di tuloy ang showing sa mga sinehan

    HINDI nga matutuloy ang showing ng pelikulang “The Rapists of Pepsi Paloma“ sa February 5 dahil hindi pa nakukumpleto ni Direk Darryl Yap ang mga dokumentong hinihingi ng Movie and Television Review and Classification Board. Inihayag ito mismo ni Direk Darryl sa kanyang Facebook account kasama  art card ng mukha ng sexy star na si […]

  • Pagunsan all-set na sa 2nd day ng torneo sa Tokyo Olympics

    Nakahanda ng sumabak sa ikalawang round ng men’s individual golf sa Tokyo Olympics ang pambato ng bansa na si Juvic Pagunsan.     Nasa pang-limang puwesto kasi ito sa unang round ng torneo na ginanap sa Kasumigaseki Country Club.   Sa unang round ay naantala ng isang oras ang laro dahil sa naranasang pagkidlat.   […]