• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

IATF, itinaas ang apat na lalawigan sa Alert Level 4

INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF), araw ng Huwebes, Enero 20, 2022, ang ilagay sa ilalim ng Alert Level 4 ang Kalinga, Ifugao at Mountain Province sa Cordillera Administrative Region, at maging ang lalawigan ng Northern Samar.

 

 

Sa kabilang dako, ang mga sumusunod na lugar na inilagay naman ng IATF sa Alert Level 3 ay ang:

 

  • Luzon: Apayao, Puerto Princesa City and Masbate
  • Visayas: Siquijor
  • Mindanao: Zamboanga del Norte at Zamboanga Sibugay sa Region 9; Lanao del Norte sa Region 10; Davao de Oro at Davao Oriental sa Region 11; North Cotabato, Sarangani at Sultan Kudarat sa Region 12; Surigao del Norte sa Caraga; at Maguindanao at Basilan sa BARMM

 

 

Ang mga nasabing Alert Levels ay epektibong magsisimula  sa Enero 21, 2022 hanggang Enero 31, 2022. (Daris Jose)

Other News
  • ALOK NA AMBAG NG ELECTRIC COOPS SA BAKUNAHAN PINURI NI NOGRALES

    Pinapurihan ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ang mga electric cooperatives sa ilalim ng pangangasiwa ng National Electrification Administration (NEA) para sa pagboboluntaryong tulungan ang nationwide Covid-19 campaign, na nagsabing “tayo ay nagpapasalamat sa ating mga ECs na iniisip muna ang national interest at para sa pagiging aktibo nilang pakikipag-ugnayan sa gobyerno. “   Ito ang […]

  • US archbishop itinalaga ni Pope Francis bilang bagong papal nuncio sa PH

    INANUNSIYO ngayon ng Vatican ang pagpili ni Pope Francis kay Archbishop Charles John Brown bilang kanyang bagong papal nuncio sa Pilipinas.   Ang 60-anyos na American diplomat ay nagmula sa bansang Albania na nagsilbi bilang apostolic nuncio mula pa taong 2017.   Papalitan ni Archbishop Brown si Archbishop Gabriele Caccia, na siya na ngayong Permanent […]

  • Mas marami ng mga Bulakenyo ang makikinabang sa serbisyong medikal

    LUNGSOD NG MALOLOS – Mas marami ng mga Bulakenyo ang makikinabang sa serbisyong medikal makaraang pasinayaan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Gobernador Daniel R. Fernando ang bagong Outpatient Department ng Bulacan Medical Center sa isang programa na isinagawa sa bagong OPD building na matatagpuan sa Bulacan Medical Center Compound, Brgy. Guinhawa dito […]