US archbishop itinalaga ni Pope Francis bilang bagong papal nuncio sa PH
- Published on October 1, 2020
- by @peoplesbalita
INANUNSIYO ngayon ng Vatican ang pagpili ni Pope Francis kay Archbishop Charles John Brown bilang kanyang bagong papal nuncio sa Pilipinas.
Ang 60-anyos na American diplomat ay nagmula sa bansang Albania na nagsilbi bilang apostolic nuncio mula pa taong 2017.
Papalitan ni Archbishop Brown si Archbishop Gabriele Caccia, na siya na ngayong Permanent Observer ng Vatican sa United Nations sa New York.
Mula nang magtapos ang tour of duty ni Archbishop Caccia noong December 2019 ay wala pang bagong naitatalaga ang Santo Papa na kanyang kapalit sa bansa.
Bilang papal envoy, siya ang kakatawan ng Holy See sa mahahalagang aktibidad sa Pilipinas kung saan siya ang tatayong dean ng diplomatic corps.
Mahalaga rin ang kanyang gagampanang papel sa pagpili ng mga obispo sa bansa.
Ipinanganak si Brown sa New York at naordinahan bilang pari sa Archdiocese of New York noong May 1989.
Noong September 2009 siya naitalaga rin bilang adjunct secretary of the International Theological Commission na siyang tumutulong sa Vatican sa Congregation for the Doctrine of the Faith na nag-aaral sa mga “doctrinal questions” na mahalaga sa simbahan.
Noon namang November 26, 2011 hinirang siya ni Pope Benedict XVI bilang Apostolic Nuncio to Ireland na naging daan upang maiangat siya sa pagiging archbishop.
March 9, 2017 naman nang ilagay siya ni Pope Francis bilang nuncio sa Albania.
-
10M Pinoy jobless sa COVID-19 crisis – DSWD
Inanunsyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na halos nasa 10 milyong Pilipino ang nawalan ng trabaho dahil sa epekto ng coronavirus disease o COVID-19 crisis. “The health crisis alone has created deep impacts on the economy, as well as our fellow Filipinos’ livelihood and well-being, with prospects of an estimated 10 […]
-
Hamon ni Yorme Isko Moreno sa gobyerno, bahala na ang DILG- Sec. Roque
IPINAUBAYA na ng Malakanyang sa Department of Interior and Local Government (DILG) ang naging pahayag ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na itutuloy ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Maynila ang implementasyon ng EO 42 sa paggamit ng face shield sa kabila ng apela ng pamahalaan sa Local Government Units (LGUs) na manatiling […]
-
Pinay swimmer Kayla Sanchez bigong makausad sa finals
BIGONG makausad sa finals ng women’s 100 meter freestyle si Pinay swimmer Kayla Sanchez. Nagtapos lamang kasi ang Filipino-Canadian sa pang-pito sa group at pang-15 sa overall ng semifinals. Umabot sa 54.21 segundo ang kaniyang naitalang oras sa nasabing torneo. Magugunitang nakapasok si Sanchez sa semis matapos makuha ang pang-10 puwesto sa overall sa heats […]