• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

IATF, kasalukuyang naka-monitor sa pagtaas ng Covid -19 sa mga lungsod at lalawigan sa labas ng NCR

KASALUKUYANG naka-monitor ang Inter-agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Diseases sa ilang lungsod at lalawigan sa labas ng National Capital Region (NCR) dahil sa pagtaas ng coronavirus (COVID-19) cases na inoobserbahan ngayon sa mga nasabing lugar.

 

 

Ang pahayag na ito ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ay bunsod na rin ng expiration sa darating na Enero 31 ng alert levels sa iba’t ibang lugar sa bansa.

 

 

Sa isang panayam, sinabi ni Nograles na kasalukuyang naka-monitor ang IATF sa Calabarzon, Central Luzon, Ilocos Region, at Cordillera Administrative Region (CAR).

 

 

Tinukoy din nito ang mga lugar na gaya ng:

Baguio City

Cebu City

Cebu Province

Lapu-Lapu City

Mandaue City

Iloilo Province

Iloilo City

Bacolod City

Cagayan de Oro City

Davao City

General Santos City

Ormoc City

Naga City

Dagupan City

Western Samar

Tacloban City

Biliran

Zamboanga del Sur

 

 

“While cases in NCR, and in fact some areas in Region IV-A and Region III, are slowing down in terms of the growth rate of COVID-19, we’re seeing higher growth rates in those areas,” ani Nograles.

 

 

Ani Nograles, ang task force, sa pamamagitan ng regional IATFs, ay palaging mino-monitor ang mga bilang kada rehiyon at mahigpit na nakikipag-ugnayan sa local government units (LGUs).

 

 

Upang matugunan ang pagsirit ng COVID-19 cases, sinabi ni Nograles na ang regional IATFs ay inatasan na tiyakin ang pagtaas ng bed capacities at siguruhin na tanging ang severe at critical cases ay nasa ospital.

 

 

“What we want to do is increase the dedicated COVID beds in those areas para hindi mag-breach ng 70 percent ang (so that they will not breach 70 percent in terms of) bed utilization. So we have to increase the number of beds,” ani Nograles.

 

 

“You have to make sure that your isolation facilities are makakatanggap ng mga moderate, mild cases. We’re also beefing up in telemedicine, teleconsult, to prepare yung home isolation,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Aniya, ang isa pang opsyon ay magdeklara ng granular lockdowns at palakasin ang triage o referral system na magdedetermina kung ang pasyente ay kailangan na ilipat sa ospital, isolation facility, o isailalim sa home quarantine.

Other News
  • Escortas Water Refilling Station na matatagpuan sa PSG compound, nasunog

    SINABI ng Presidential Security Group (PSG) commander Brig. General Jesus Durante III, na  nasunog  ang Escortas Water Refilling Station na matatagpuan sa PSG Concessionaire area sa loob ng Malacañang Park.   Ang establisimyento ay hiwalay at malayo mula sa main Headquarters at pasilidad ng PSG.   Nangyari ang insidente dakong-alas  8:30 kahapon ng umaga kung saan ay […]

  • 52 election-related violence incidents, naitala isang linggo bago ang May 9 election – PNP

    NAKAPAGTALA ang Philippine National Police (PNP) ng kabuuang 52 insidente ng election-related violence sa bansa isang linggo bago ang May 9 national at local elections.     Ayon kay PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, nasa 28 mula sa 52 insidente ng election-related violence ang kumpirmadong walang kinalman sa nalalapit na halalan habang nasa 14 […]

  • ILANG BATAS SA COMELEC, SUSURIIN

    SUSURIIN  ng Commission on Elections (Comelec) ang panukalang batas na naglalayong amyendahan ang mga batas sa halalan sa withdrawal bilang batayan para sa pagpapalit ng kandidato, pagkatapos ng Mayo 2022 na botohan.     “Isa sa mga dapat nating ma-review din, after this election, dapat ma-review din natin ‘yung tungkol sa nuisance, ‘yung tungkol sa […]