• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

IATF, pag-uusapan kung handa na ang NCR para sa Alert Level 1 – Año

PAG-UUSAPAN ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang bagong quarantine status sa bansa hanggang sa pagtatapos ng Pebrero at kung handa na ang National Capital Region (NCR) sa Alert Level 1.

 

 

Sa isang panayam, sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año, ang bagong Alert level classification sa NCR mula Pebrero 16 hanggang 28 ay depende sa magiging presentasyon ng Technical Working Group (TWG).

 

 

Gayunman, sinabi ng Kalihim na kailangan na mag-ingat ang lahat sakali’t ibaba na ang COVID-19 alert ng NCR sa level 1, tinukoy nito ang campaign activities para sa halalan sa Mayo.

 

 

“Sa mga susunod na araw, kailangan talaga tayong magbantay pa, dahil alam natin na papalapit nang papalapit ‘yan, paigting nang paigting ‘yung kanilang pangangampanya, lalo na kapag pumasok na ‘yung local election period,” ani Año.

 

 

Sa kasalukuyan, ang Kalakhang Maynila at ilang lalawigan ay nasa ilalim ng Alert Level 2 mula Pebrero 1 hanggang 15.

 

 

Sa ilalim ng Alert Level 2 – “second lowest” sa bagong alert level system – may ilang establisimyento at aktibidad ang pinapayagan ng 50% capacity indoors para sa mga fully vaccinated adults at minors, at kahit pa unvaccinated, at 70% capacity outdoors.

 

 

Samantala, sa ilalim ng Alert Level 1, maliban sa mga matatagpuan sa mga lugar na nasa ilalim ng “granular lockdowns, “all establishments, persons, or activities, are also allowed to operate, work, or be undertaken at full on-site or venue/seating capacity provided it follows minimum health standards.”

 

 

“‘Pag sinabi nating Alert Level 1, minimum public health standards na lang maiiwan diyan tapos lahat pwede na, 100% na halos lahat ng activities, baka mabilaukan tayo rito,” ayon kay Año.

 

 

Aniya, kapag nagmadali ang gobyerno na mag- shift sa Alert Level 1, maaaring muling mapuno ang mga healthcare utilization sa NCR.

 

 

Ang lahat ng rehiyon sa bansa kabilag na ang NCR, ay nasa “low to moderate risk” para sa  COVID-19 maliban sa Region XII, ayon sa Department of Health (DOH).

 

 

Ang ibig sabihin ng low risk ay ang average daily attack rate (ADAR) sa isang lugar ay “less than 1 per 100,000 population” habang ang moderate risk ay nangangahulugan na ito’y sa pagitan ng 1 hanggang 7.

 

 

“Ang tinatawag na Average Daily Attack Rate ng Metro Manila ay nasa 10.8. Ang sinasabi natin na para maging safe is at least 7 and below. Ayan ang mga ating dapat nababantayan bago tayo pumunta sa Alert Level 1,” ayon sa Kalihim.

 

 

“Phase by phase based on science. Naiintindihan natin ‘yung sinasabi ng mga economic sector na gustong makabawi kaagad sa ekonomiya pero syempre gusto rin naman nating lahat ‘yan pero hinay hinay lang para naman hindi tayo magsisisi,” dagdag na pahayag nito.

Other News
  • 47 indibidwal, idineklara ng Comelec na nuisance candidate para sa 2025 midterm elections

    Nasa 47 indibidwal ang idineklara ng Commission on Elections (Comelec) na nuisance candidate para sa midterm elections sa 2025.   Noong nakaraang buwan, nakatanggap ang poll body ng 183 na certificates of candidacy (COCs).   Naglabas din ito ng paunang listahan ng 66 na indibidwal na ang mga pangalan ay maaaring isama sa opisyal na […]

  • P20M iginawad ng DOLE sa mga manggagawang impormal

    MAHIGIT  800 na mga public utility vehicle (PUV) driver, solo parent, ambulant vendor, marginalized fisherfolk, person with disabilities, at iba pang vulnerable na mga manggagawa sa National Capital Region (NCR) ang nakatanggap ng P20 milyong tulong mula sa labor department.     Iginawad ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang tulong ng DOLE sa mga […]

  • NHA, sisimulan nang ipatayo ang Progreso Village sa Valenzuela para sa benepisyaryo

    PINANGUNAHAN ni National Housing Authority (NHA) General Manager Joeben Tai ang groundbreaking para sa ipapatayong Progreso Village sa Barangay Marulas, Lungsod ng Valenzuela, nitong Oktubre 29, 2024.     Ang bagong proyektong pabahay na ito ay isang medium-rise building na bubuuin ng siyam na gusali na may 11 palapag bawat isa, ito ang magiging bagong […]