IATF, pinag-usapan kung kasama ang persons with comorbidities sa prayoridad na mabigyan ng bakuna sa COVID 19
- Published on January 14, 2021
- by @peoplesbalita
SINABI ni Presidential Spokesperson Harry Roque na may pag- uusap pang ginagawa ang Inter-Agency Task Force (IATF) ukol sa kung isasama sa priority list na mabakunahan ng COVID vaccine ang mga tinaguriang may comorbidities gaya ng mga diabetic at may heart condition.
Ayon kay Sec. Roque, may kani-kanyang tindig ang mga nasa IATF patungkol sa usapin na hanggang ngayo’y hindi pa napagdedesisyunan at patuloy pa ring pinag- uusapan.
“Pinag-uusapan pa po kung mabibigyan din ng prayoridad iyong mayroong mga comorbidities gaya ng diabetes at heart condition.
Mayroon lang pong pagtatalong nangyayari ngayon sa IATF, ako po, kasama ako doon sa kampo na nagsasabing dapat bigyan ng prayoridad ang may comorbidities; iyong kabilang kampo naman po nagsasabi, anyway, iyong mga senior citizens na karamihan ay may comorbidities ay mayroon na po silang prayoridad,” anito.
Kung siya lamang aniya ang tatanungin ay pabor siyang maisama na sa priority list ang mga may comorbidities ngunit kailangan pa rin aniyang pag- usapan ito at may mabuong concensus.
Aniya, ibang usapan naman ang mga nabibilang sa Senior citizen na bagamat hindi lahat ay masasabing malulusog ay puwede na aniyang unahin.
“So tingnan po natin kung ano ang magiging desisyon ng IATF. Wala pa pong desisyon pagdating sa mga mayroong comorbidities.
Although, napagkasunduan na po na iyong mga senior citizens, siyempre hindi naman lahat ay malulusog so iyong mga senior citizen na mayroong comorbidities puwede ring unahin,” ang pahayag ni Sec. Roque.
Kaya ang paalala ni Sec. Roque sa mga senior ay huwag na lang munang lumabas ng bahay lalo’t sila ang matinding tinatamaan ng COVID-19
“Although, prioritized na ang mga senior citizens. Mahal namin po kayo, mga lolo at lola. Samantala po, huwag kayong lalabas ng bahay dahil alam natin kayo po talaga ang tinatamaan nang matindi ng COVID-19,” anito. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Ads July 14, 2021
-
UK, gusto ang mas maraming Filipino nurse — PBBM
SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hiniritan siya ng United Kingdom (UK) kung saan ay tinanong siya kung makapagpapadala ang Pilipinas ng mas maraming health workers doon. Tinukoy ng UK ang mahalagang naging ambag ng mga health workers laban sa Covid-19. Sa naging panayam kay Pangulong Marcos sa sidelines ng […]
-
“Gat Marcelo, who holds the esteemed title of National Hero, should be our guide and beacon” – Fernando
LUNGSOD NG MALOLOS – “Si Gat Marcelo H. Del Pilar na ating pangunahing bayani na may hawak ng titulong Pambansang Bayani, siya ang gawin nating gabay at tanglaw. Ang kanyang kaisipan, paninindigan, at mariing pagtutol sa katiwalian at pag-abuso sa kapangyarihan ay patuloy na nagbibigay inspirasyon sa atin na ipaglaban ang tama at makatarungan.” […]