• November 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

IATF technical working group, pag-uusapan na kung dadagdagan ang listahan ng ‘travel ban’

Nakatakdang magpulong ngayong Lunes ang technical working group ng mga ahensyang miyembro ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) kaugnay ng posibilidad na pagpapataw ng travel ban sa iba pang bansa na nag-ulat ng bagong COVID-19 variant.

 

“Ngayong hapon, may technical working group meeting ang IATF, yung mga Technical representatives will be discussing this additional list and what would be the government response aside from the additional countries to be included in the restrictions for travel,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire.

 

Pahayag ito ng opisyal matapos madagdagan ang bilang ng mga bansang may bagong variant ng coronavirus disease na unang kumalat sa United Kingdom.

 

Ani Vergeire, isa sa mga nagiging hamon sa kanilang hanay ngayon ay ang pag-kumpirma sa mga ulat dahil hindi pa naglalabas ng opisyal na anunsyo ang pamahalaan ng ibang estado.

 

“Mayroon kami ngayong anim na countries na mayroon na tayo from their government website we were able to get confirmation but through the focal point wala pa kaming nare-receive any response kaya we are having a hard time confirming especially the other countries.”

 

Kamakailan nang magpatupad ng travel ban ang Pilipinas mula sa foreign travelers ng UK, Ireland, Japan, Australia, Israel, The Netherlands, Hong Kong, Switzerland, France, Germany, Iceland, Italy, Lebanon, Singapore, Sweden, South Korea, South Africa, Canada, at Spain.

 

Pinaka-huling isinama sa listahan ang Amerika.

 

“Isa sa nagiging delays or challenge we are facing would be the confirmation from specific countries.”

 

Ayon sa British health experts, mas nakakahawa ang bagong variant ng sakit. Pero wala pang ebidensya na mas nakamamatay ito kumpara sa variant na unang kumalat sa mga bansa.

 

Batay sa tala ng DOH, umabot na sa 477,807 ang total ng COVID-19 cases sa Pilipinas.

Other News
  • OPISYAL NG MPD-STATION 7 SINIBAK SA PUWESTO

    TINANGGAL na sa puwesto ang ilang opisyal ng Manila Police District (MPD) -Station 10 matapos na nasangkot sa pangha-harras sa isang miyembro  ng media sa Maynila.   Ito ang kinumpirma  ni MPD District Director Brig.General Leo Francisco kasabay ng isasagawang imbestigasyon ng D7 sa pangyayari.       Ang pagsibak sa mag opisyal ng MPD-Station […]

  • Ads February 2, 2024

  • Face-to-face internship at clinical clerkship rotation sa NCR, suspendido na

    Napagdesisyunan ng Association of Philippine Medical Colleges na suspendihin ang pagsasagawa ng face-to-face internship at clinical clerkship rotation sa mga ospital na nasa National Capital Region (NCR).     Ito’y kasunod ng muling pagsirit ng naitatalang coronavirus diseases cases sa bansa.     Sa isang abiso, inilahad nito na ipagpapatuloy virtually ang lahat ng learning […]