• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ibabalik ang dating katawan bago mag-taping: JENNYLYN, nagti-training uli para sa triathlon kasama si DENNIS

BINABALIK ni Jennylyn Mercado ang dati niyang katawan bago siya sumabak sa taping ulit.

 

 

Uunahin daw muna niya ang mag-training para sa triathlon.

 

 

Post pa niya sa Instagram: “Triathlon training—the ultimate test of the mind, body, and spirit. Happy to be back at it!”

 

 

Kasama ni Jen sa kanyang pag-train ulit ay ang mister na si Dennis Trillo. Sinasamahan siya parati nito na mag-bike sa bundok ng Tanay, Rizal. Minsan ay sumasama ang mga anak nilang sina Jazz at Calix sa biking trip nila.

 

 

 

Ilang triathlon events na ang sinalihan ni Jen noong isa pa lang ang anak niya. Ngayon at dalawa na ang anak niya, gusto pa rin patunayan ni Jen kaya pa rin niyang nakipag-compete.

 

 

 

Nagpasabi na si Jen na babalikan niya ang taping ng natengga niyang teleserye with Xian Lim na Love. Die. Repeat. Natigil ang taping dahil nabuntis siya sa baby nila ni Dennis na si Dylan.

 

 

 

***

 

 

 

MARAMI ang bilib kay Cai Cortez dahil sa pag-promote nito ng body positivity.

 

 

 

Wala siyang keber sa sasabihin ng mga tao sa hugis ng kanyang katawan. Kapag feel niyang mag-bikini, gagawin niya iyon.

 

 

 

Ngayong tag-init na, nag-post si Cai naka-pink two-piece bikini na may strawberry pattern sa Instagram. Nilagyan niya ito ng caption na: “A day at the beach. There comes a time in your life when you don’t care. You don’t care what other people will say. You don’t care what other people will think. Ang importante, alam ko sa sarili ko mabuti akong tao, mabait ako sa kapwa, mabuti akong ina, oks na ko.”

 

 

 

Inamin noon ni Cai na maraming netizen na bina-body shame siya noon kapag nagpo-post siya ng photos na naka-swimsuit siya.

 

 

 

Noon daw ay nade-depress siya dahil sa bashing sa kanyang pangangatawan. Pero natutunan na raw tanggapin ito ni Cai at ngayon proud na proud siya sa katawan na binigay sa kanyang ng Diyos.

 

 

 

***

 

 

 

MULING gumawa ng history si Taylor Swift sa Billboard charts. For the first time ay pitong album ng singer-songwriter ang pasok sa Billboard 200 chart.

 

 

 

Ayon sa Billboard, si Taylor ang kauna-unahang living artists na may pitong albums na nasa Top 40. Huling naka-achieve nito ay si Whitney Houston na noong pumanaw in 2012, pumasok sa op 40 ang pitong albums nito.

 

 

 

Ang ranking ng albums ni Taylor sa Top 40 ay: Midnights (#3), Lover (#13), Folklore (#14), 1989 (#19), Red: Taylor’s Version (#22), Reputation (#26) and Evermore (#31). Dalawa naman sa albums niya below Top 40 ay Fearless: Taylor’s Version (#52) at Speak Now (#69).

 

 

 

Kasalukuyang na kanyang ‘Eras Tour’ si Taylor at breaking attendance records ito simula pa noong March 17 sa Glendale, Arizona.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • DOH pinag-iingat ang publiko vs pekeng contact tracers ng COVID-19

    Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko laban sa mga nagpapanggap na miyembro ng contact tracing team ng ahensya para sa close contacts ng COVID-19 cases.   Sa isang advisory sinabi ng kagawaran na nakatanggap sila ng mga ulat ukol sa ilang nagpakilalang contact tracers na nanghingi ng personal na impormasyon at pera sa […]

  • Kahit na todo-bigay sa love scenes: AJ, gusto ring makilala na magaling na artista at goal nila ‘yun ni SEAN

    KAHIT na super daring at todo bigay pa rin sa mga love scenes nila ni Sean de Guzman sa Hugas ang bagong movie ng Vivamax, kumpara sa mga past movies nila, ang action element sa Hugas ang nakikitang kaibahan ni AJ Raval.     Sey ni AJ, “Unang-una po, ang kaibahan po sa mga ginawa […]

  • Terrence Romeo activated na para sa final push sa playoffs

    Ibinigay ng SAN Miguel ang panghuling pagtulak nito para sa playoffs sa 2022-23 PBA Commissioner’s Cup ng napapanahong pagpapalakas sa pamamagitan ng pag-angat kay Terrence Romeo sa aktibong roster.   Kwalipikado na ngayon si Romeo na maglaro para sa Beermen matapos mapabilang sa injured list dahil sa back injury na nagtulak sa kanya na hindi […]