Ibang transport groups nagbuklod laban sa darating na transport strike
- Published on July 21, 2023
- by @peoplesbalita
MARAMING transport groups ang nagbuklod upang suportahan ang pamahalaan laban sa darating na transport strike sa July 24 kasabay ang ikalawang State of the Nation Address ni President Ferdinand Marcos, Jr.
Ang pinakamalaking grupo at pinakamatagal ng transport group sa hanay ng 12 transport groups, ang Pasang Masda, ang nagsabing hindi sila mahihikayat ng posisyon ng MANIBELA, ang transport group na siyang mangunguna sa darating na transport strike.
Nag anunsyo ang MANIBELA na magkakaron sila ng 3-day nationwide transport strike o “tigil-pasada” upang mahinto ang operasyon ng public utility jeepneys (PUJs) sa mga kalsada sa July 24-26.
Sa isang press conference na ginawa ng Pasang Masda kasama rin si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairman Teofilo Guadiz III kung saan sinabi ng huli na handa sila na manghuli ng jeepney units na lalahok sa nasabing transport strike.
Ayo naman kay Pasang Masda president Obet Martin na hindi sila matitinag ng isang tao lamang ang kanilang grupo kung saan ang tinutukoy ay si Mr. Mar Valbuena ng MANIBELA.
May tatlong key areas sa Metro Manila kung saan ang MANIBELA ay magsasagawa ng transport strike. Ang LTFRB naman ay tiwala na ang gagawing transport strike ay hindi magtatagumpay na gawing paralisado ang mga lansangan sa Metro Manila sapagkat karamihan sa mga transport groups ay hindi lalahok.
Sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na lagi silang bukas sa paguusap kasama ang sektor ng jeepney.
“We don’t want tigil-pasada that’s why we are continuously conducting a dialogue between our office and the officers of all transport groups. In fact, we had a meeting with two transport leaders and we discussed the issues surrounding their worries and concerns,” wika ni Bautista.
Ayon kay Bautista, ang Public Utility Vehicles Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan ay isang proyektong kumplikado at hindi madaling ipatupad kung kaya’t kailangan ang pag-uusap at dapat ay maintindihan nila ang posisyon ng pamahalaan at the same time ay kailangan din na maprotektuhan ang kabuhayan ng mga drivers at operators. Kailangan din na suriin ang kailangan ng mga mananakay o pasahero na maaapektuhan ng programa.
Sinabi naman ni Valbuena na ayaw nila ng iisang prankisa lamang. Ang gusto nila ay nakapangalan pa rin sa mga operator ang prankisa dahil ayon sa kanya na sa consolidation ay maaari ka na lang tangalin kapag napag initan ka ng opisyales o di kaya naman ay mag hariharian ang isang chairman ng kooperatiba. Pag nagkagaon, ang isang operator o driver ay walang magagawa dahil hind naman nakapangalan sa kanila ang prangkisa.
Sa kabilang dako naman ay pinahayag ni Guadiz na ang pamahalaan ay may planong magbigay ng financial aid sa sektor ng jeepney sa darating na taon pagkatapos ng dealine sa consolidation ng PUV modernization program.
Ayon kay Guadiz ay kailangan mag consolidate hanggang sa darating na Dec. 31 lamang kung saan ito ang deadline upang sila ay mabigyan ng financial aid. Ang financial aid ay ang pagbibigay ng fuel subsidy sa mga PUV jeepneys. LASACMAR
-
Balitang pabalik na ng ‘Pinas si Tom: CARLA, lumipat na ng management para walang conflict
NGAYONG August 2023 ay ipinagdiriwang ni Sen. Bong Revilla Jr. ang ika-50 anibersaryo sa show business, na sa kabila ng napakaraming pelikulang nagawa ay nananatili pa rin ang kakisigan at tila hindi tumatanda. Bukod sa kanyang anibersaryo ay ipagdiriwang din ni Sen. Bong ang kanyang ika-57 kaarawan sa darating na Septyembre 25 na […]
-
PDu30, umaasa na mananatili ang alyansa ng Pinas at US sa pagkakaroon ng bagong US Ambassador to the Philippines
UMAASA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na mananatili ang alyansa ng Pilipinas sa Estados Unidos matapos na magtalaga ng bagong US ambassador. Ang pahayag na ito ni Pangulong Duterte ay matapos niyang pasalamatan si outgoing US Ambassador to the Philippines Sung Kim para sa naging kontribusyon nito sa pagpapalakas ng alyansa sa pagitan ng […]
-
Bukod sa big-budgeted movie na ‘Firefly’: DINGDONG, balitang may gagawin din sa Star Cinema kasama si MARIAN
MAGIGING busy na nga ba ngayon ang Kapuso Royal Couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera? Unang nag-post sa Instagram si Marian ng “Hello flower lovers! It’s Marian of Flora Vida, and I’ve got exciting news for you. Out new color is blooming, and it’s the rich and sultry maroon! Plus, we’re […]