• July 19, 2025

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, umaasa na mananatili ang alyansa ng Pinas at US sa pagkakaroon ng bagong US Ambassador to the Philippines

UMAASA si  Pangulong Rodrigo Roa  Duterte  na mananatili ang alyansa ng Pilipinas sa Estados Unidos matapos na magtalaga ng bagong US ambassador.

 

Ang pahayag na ito ni Pangulong Duterte ay matapos niyang pasalamatan si outgoing US Ambassador to the Philippines Sung Kim para sa naging kontribusyon nito sa pagpapalakas ng alyansa sa pagitan ng dalawang bansa.

 

Nagsagawa kasi ng  farewell call si Kim kay Pangulong Duterte, araw ng Lunes.

 

“I hope everything will be the same, as is,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang public address matapos mabanggit ang pagtatalaga ng bagong  US ambassador to the Philippines.

 

“Kim is out,” ayon sa Pangulo.

 

Bago pa ang  public address, inanunsyo na ng Malakanyang ang pagbati kay  Ambassador Kim dahil sa kanyang  “successful tour of duty” sa bansa.

 

Magtatapos na kasi ang  three-year tour of duty ni Kim  sa Pilipinas na nagsimula noong Nobyembre 2016.

 

Sa kabilang dako, pinagkalooban naman ni PangulongDuterte si outgoing ambassador Kim ng  Order of Sikatuna na may  ranggo  na Datu or Gold Cross.

 

“The President expressed appreciation for Ambassador Kim’s vital contributions in strengthening the alliance and partnership between the Philippines and the United States,” ang nakasaad sa kalatas ng Malakanyang.

 

Tinukoy din ng Malakanyang ang  “important milestones” ng ugnayan ng bansa sa Estados Unidos gaya ng pagbalik ng  Balangiga Bells noong Disyembre  2018.

Pinalawig din ng dalawang bansa ang kooperasyon sa iba’t ibang aspeto gaya pagbahagi ng  interest, lalo na sa defense and security, trade and investments, at people-to-people exchanges.

 

Para naman kay Kim, pinasalamatan niya si Pangulong Duterte para sa   “productive bilateral engagement” sa Pilipinas.

 

“He emphasized that the US remains committed to the alliance and partnership with the Philippines that are based on shared values and meaningful history,” anito. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)