Ice hockey player, tulog sa suntok
- Published on February 28, 2020
- by @peoplesbalita
MALAMIG ang pinaglalaruan pero mainit ang naging eksena sa American Hockey League nang magsuntukan ang dalawang magkalaban sa gitna ng yelong rink.
Sa ikalawang yugto ng laro ay makikitang nagkainitan sina Hershey Bears center Kale Kessy at Charlotte Checkers D-man Dereck Sheppard matapos nilang hubarin at bitawan ang kanilang sticks at gloves at saka nagsuntukan.
Tila #MAYPAC ang naganap na senaryo kung saan tuluyang bumagsak si 27-anyos Kessy sa pinakawalang solidong suntok ni 25-anyos Sheppard.
Agad namang sumugod ang mga referee. Pati ang nagpabagsak na si Sheppard ay nag-aalala at sumenyas ng tulong sa medical team.
Sa naunang report, halos 10 minutong walang malay si Kessy at kumalat sa ice rink ang dugo nito.
Sa ngayon ay kinumpirma naman ng Bears head coach na si Spencer Carbery na nasa mabuti nang kalagayan si Kessy.
-
Tennis star Nadal at Osaka nanguna sa Laureus Sportsman and Sportswoman of the Year
Napili sina tennis star Rafael Nadal at Naomi Osaka ng Laureus Sportsman and Sportswoman of the Year. Ito ang pang-apat na award ng world number 2 na si Nadal kung saan kinilala siya dahil sa pagkapanalo niya ng kaniyang ika-13th French Open na mayroon ng 20 major title. Pangalawang beses naman […]
-
Vendor kulong sa hindi lisensyadong baril sa Valenzuela
HIMAS-REHAS ang isang mister matapos makuhanan ng hindi lisensyadong baril nang salakayin ng pulisya ang kanyang bahay sa bisa ng isang search warrant sa Valenzuela city. Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang naarestong suspek na si alyas Nuno, […]
-
VP Sara, ‘tikom na ang bibig” sa confidential fund ng DepEd
“TIKOM na ang bibig” ni Vice President Sara DuterteĀ sa naging desisyon ng Senado na tapyasan ng P150 milyong confidential fund ng Department of Education (DepEd) sa ilalim ng inaprubahang P5.268-trilyong national budget sa 2023. Ang katwiran ni Duterte “We already stated our piece about the confidential funds during the hearing sa House […]