• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ihahatid ang pinaka-nakakikilabot na content sa vlog: Sen. IMEE, tatalakayin ang mga tradisyunal na pamahiing Pinoy tuwing ‘Araw ng mga Patay’

ISANG nakatatakot na Halloween long weekend ang hatid ni Sen. Imee Marcos sa kanyang official YouTube channel dahil bibigyan niya ang kanyang online Imeenatics ng pinaka-nakakikilabot na content to date.

 

Ngayong Oktubre 28 (Biyernes), sa kanyang vlog entry na pinamagatang ‘Pammati ti Ilokano’, makakasama ng Senadora
ang isa sa mga paborito niyang partner sa tsikahan na si Juliana Parizcova-Segovia, kung saan magpapalitan sila ng
mga istoryang pamahiin tuwing Undas.

 

Pinag-usapan nina Senator Imee at Juliana ang mga tradisyunal na pamahiing Pinoy tuwing Araw ng mga Patay gaya na lamang ng hindi pagsuot ng pula kapag bumibista sa sementeryo; ang hindi pagsuklay ng buhok at pagputol ng kuko; ang hindi pag-apak sa puntod ng patay, at marami pang iba.

 

Sa Sabado naman, Oktubre 29, may special streming si Sen. Imee sa kanyang ‘Fly Aswang’ kuwentuhan kasama si Bessie Badilla kung saan pinag-usapan nila kung paano nagsimula ang Pinoy animated horror movie na kanilang prinodyus, na nauna sa animated Netflix series na Trese.

 

Ang ‘Fly Aswang’ ay isang Pinoy animated horror feature na nagpapakita ng iba’t-ibang uri ng mga Pinoy na aswang tulad ng Tikbalang, Impakto, Nuno, Mumbaki, at marami pang iba.

 

Ia-upload naman ni Imee ang full feature streaming ng ‘Fly Aswang’ sa Lunes, Oktubre 31 at magbibigay naman siya ng isang espesyal na Halloween greeting sa Nobyembre 1.

 

Makisaya sa katatakutan kasama si Sen. Imee Marcos at panoorin ng libre ang ‘Fly Aswang’ at mag-subscribe sa https://www.youtube.com/c/ImeeMarcosOfficial/featured

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Pinay tennis player Alex Eala wagi sa unang sabak sa Wimbledon

    Naging matagumpay ang unang pagsabak sa Wimbledon ni Filipino tennis ace na si Alex Eala sa girls’ singles first round match.     Tinalo kasi ng 16-anyos na si Eala ang 17-anyos na si Solana Sierra ng Argentina sa score 6-2, 6-4.     Sa unang round ay hawak na ng number 2 seed at […]

  • Citizen rights’ group nagbabala vs Konektadong Pinoy Act

    Nagpahayag ng pagkabahala ang isang citizens’ rights network sa panukalang Konektadong Pinoy Bill, o Senate Bill 2699, at sinabing ang bill, sa kasalukuyang porma nito, ay may oversight gaps na maaaring magresulta sa hindi sinasadyang negatibong epekto sa mga Pilipino.     Sa isang pahayag sa Facebook, sinabi ng CitizenWatch Philippines na nababahala ang organisasyon […]

  • Ads May 28, 2022