Ika-13 titulo asinta ng Perpetual Help Altas
- Published on February 27, 2020
- by @peoplesbalita
NADAGDAGAN ang preparasyon ng mga bataan ni Perptual Hep Altas coach Sinfronio ‘Sammy’ Acaylar para sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season 95 men’s volleyball finals.
Kasalukuyang sagaran sa training ang UPH para paghandaan ang paparating na best-of-three finals makaraan ang 9-0 sweep sa elimination para sa awtomatikong pasok sa championship round.
“Maganda na magbabalik na uli ang games sa March 16, pero kami mag-aantay pa rin kasi may two play dates pa ang men’s team and then may stepladder pa ang makakalaban namin,” litanya ni Acaylar.
Makakatuos ng Las Piñas-based spikers sa finals ang alinman sa Arellano Chies, Aguinaldo Generals o St. Benilde Blazers na mga babagtas pa sa stepladder matches.
Pakay naman ni Acaylar na ibigay sa Perpetual ang ika-13 korona sa liga para mapantayan ang Letran na may pinakamaraking karangalan.
Sa pagtimon ni Acaylar, nakakopo na ang Altas ng mga kampeonato sa mga taong 1986, 1987, 1988, 1989, 1990, 2011, 2012, 2013, 2014, 2016, 2018 at 2019.
“We do regular practice and tune-up games against other commercial teams and UAAP (University Athletic Association of the Philippines) teams to stay–in-focus,” panapos na dada ni Acaylar. “We will correct all the lapses and errors in plays and improve to almost perfect receive, defense and blockings.”
Good luck na lang sa inyo coach Sinfronio.
-
Carwash boy kulong sa pagnanakaw ng bisikleta
TIMBOG ang isang carwash boy matapos habulin ng isang service crew na nakasaksi ng kanyang pagnakaw ng bisikleta sa Malabon city, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang suspek na si Jumarie Linog, 18 ng Tanigue corner Labahita St. Brgy. 14, Caloocan city. Sa imbestigasyon nina PSSg Ernie […]
-
Top 6 most wanted person ng Mandaon, Masbate nalambat sa Valenzuela
NAGWAKAS na ang pagtatago sa batas ng isang lalaki na nakatala bilang top 6 most wanted sa bayan ng Mandaon, Masbate matapos masakote ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Valenzuela City. Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr ang naarestong akusado bilang si Mario Rubis, 43, tubong Mandaon, Masbate at residente ng […]
-
Ads August 20, 2022