Ika-95 Taong Anibersaryo ng Kapanganakan ni Ka Blas, ginunita ng mga Bulakenyo
- Published on February 5, 2022
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS – Ginunita ng mga Bulakenyo ang ika-95 Taong Anibersaryo ng Kapanganakan ni Gat Blas F. Ople sa pamamagitan ng isang simpleng programa na inihanda ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan kaninang umaga sa lungsod na ito.
May temang, “Tulad ni Ka Blas, Maging Lingkod Bayan na sa Hamon ng Panahon ay Lumalaban”, isinagawa ang pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Ka Blas na matatagpuan sa Gat Blas F. Ople Building: Sentro ng Kabataan, Kaalaman at Hanapbuhay (Provincial Livelihood Center), Antonio S. Bautista Bulacan Provincial Capitol Compound na pinangunahan ni Gob. Daniel R. Fernando.
Kabilang din sa mga dumalo ang mga kaanak ni Ka Blas na sina dating mga Bokal Felix V. Ople at Therese Cheryll Ople, dating Bise Gobernador Bernardo F. Ople at Bokal Bernardo B. Ople, Jr.
Ani Fernando, si Ka Blas ay nagsilbing inspirasyon hindi lamang sa mga Bulakenyo ngunit maging sa lahat ng Pilipino dahil sa kanyang ipinamalas na paglilingkod na nilakipan ng tapat na pagmamahal sa bayan at prinsipyong ipinaglalaban.
“Nawa’y taglayin ng mga Bulakenyo ang kahit bahagi man lamang ng kanyang mga katangian bilang dakilang Bulakenyo at tunay na Pilipino,” anang gobernador.
Si Ka Blas na tubong Hagonoy, Bulacan ay nauukit na sa kasaysayan ng bansa bilang Ama ng Labor Code, mamamahayag, Ama ng Overseas Filipino Workers, lingkod bayan at bayaning Bulakenyo. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
CZECH REPUBLIC, KASAMA NA RIN SA TRAVEL RESTRICTION
KASAMA na rin ang Czech Republic sa listahan ng mga bansa sa travel restriction, ayon sa Bureau of Immigration (BI) Ito ang sinabi BI Commissioner Jaime Morente sa isang advisory kung saan magsisimula ang travel restriction 0001H ng Enero 28 hanggang sa katapusan ng buwan. “We have received a directive expanding the […]
-
Zero COVID case reward sa Maynila, suportado ng DOH
“Huwag itago ang tunay na estado ng kaso COVID-19 sa kanilang lugar.” Ito ang paalala ng Department of Health (DOH) kasunod ng pagbibigay ng reward na P100,000 ang pamahalaang lungsod sa mga barangay sa Maynila na makakapagtala ng zero COVID-19 case sa loob ng dalawang buwan na magsisimula sa September 1 hanggang October 31. Bagamat […]
-
Housing turnover ceremony, pinangunahan ni PBBM
NANGAKO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tutugunan nito ang ‘housing gaps’ sa Pilipinas. Si Pangulong Marcos ay nasa Naic, Cavite kung saan pinangunahan ang ‘awarding of certificates’ ng house and lot sa mga benepisaryo ng housing project ng National Housing Authority (NHA). Tinatayang nasa 30,000 housing units na ang naipamahagi […]