Ikalawang fuel subsidy sa PUV drivers, nakakasa na
- Published on March 22, 2022
- by @peoplesbalita
ILALABAS na sa susunod na buwan ng pamahalaan ang panibagong round ng subsidy para sa public transport drivers at delivery riders, gayundin sa diskwento para sa sektor ng agrikultura.
Ayon kay acting Budget Secretary Tina Rose Marie Canda, isa pang P2.5 bilyon ang inilaan para sa subsidiya ng public utility vehicle (PUV) drivers at P600 milyon naman sa agriculture sector.
Paliwanag ni Canda, ito ay para makarekober ang naturang mga sektor sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Ngayong buwan ay namahagi ang gobyerno ng first tranche ng subsidiya sa 377,000 PUV drivers na tatanggap ng P6,500 bawat isa habang sa agriculture sector ay makatatanggap ng P3,000 bawat isa.
Hindi naman nagbigay ng timeline si Canda sa pamamahagi ng P200 kada buwan na subsidiya para sa mahihirap na pamilya subalit siniguro niya na maibibigay ang nasabing financial assistance sa Abril o Mayo depende umano sa certification ng Bureau of Treasury.
Inaprubahan ni Pangulong Duterte ang rekomendasyon ng Department of Finance na magbigay ng P200 sa halip na suspindihin ang fuel excise taxes sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Mahigit P310-M, naibigay na sa mga operator ng EDSA Carousel
PAPALO na raw sa mahigit P310 million ang nailabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na pondo bilang bayad sa bus operators ng EDSA Carousel matapos ma-delay ng dalawang linggo. Tiniyak naman ni LTFRB chairperson Atty. Cheloy Garafil na sapat ang kanilang pondo para sa sahod ng mga bus operators sa […]
-
Pinay skater Margielyn Didal tinanghal bilang Women’s Asia Skater of the Year
Tinanghal bilang Women’s Asia Skater of the Year si Margielyn Didal. Tinalo ng 21-anyos na Tokyo Olympic hopefuls ang pitong iba kung saan naibulsa niya ang $1,500 na premyo. Kabilang din na nominado sa award ang isang Pinay skater na si Cindy Lou Serna. Nakuha rin ni Didal ang […]
-
Ika-2 autopsy isinagawa kay Dacera habang Sinas nanindigang may ‘rape’
Habang tinutukoy pa ang tunay na dahilan sa kontrobersyal na pagkamatay na 23-anyos na flight attendant sa Makati City nitong Bagong Taon, naisagawa na ang ikalawang pagsusuri ng mga dalubhasa sa mga labi ni Christine Dacera. Ito ang ibinahagi ni Dr. Marichi Ramos, kaibigan ng pamilya Dacera, sa mga reporters nitong Huwebes bago […]