• July 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ikatlong Navotas Commnuity Isolation Facility, binuksan

BINUKSAN na nang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang pangatlong community isolation facility (CIF) na tuluyan ng mga residenteng may hinihinalang confirmed Coronavirus Disease 2019.

 

Pinangunahan ni Cong. John Rey Tiangco ang pagpapasinaya, kasama si COVID-19 testing czar Sec. Vince Dizon; DPWH Usec. Roberto Bernardo; MMDA gen- eral manager Jojo Garcia; at DOH- NCR Regional Director Dr. Corazon Flores.

 

Nagpasalamat naman si Cong. Tiangco sa pambansang pamahalaan sa patuloy na pagtulong nito sa Navotas.

 

Katuwang ang DPWH, itinayo ng Navotas ang 50 40-footer container vans na may 200 bed-capacity isolation facility sa Navotas Centennial Park na bawat yunit ay may kama, mesa at upuan, banyo at paliguan, airconditioning unit at NavoConnect wi-fi.

 

Mayroon ding mga CCTV camera ang pasilidad para madaling pagsubaybay sa mga pasyente at upang limitahan ang pisikal na pagbisita ng mga medical staff.

 

Ayon kay Mayor Toby Tiangco, sa CIF3 tutuloy ang mga close contacts ng COVID-positive patients na sumailalim sa swab testing.

 

Ang CIF3 ay magsisilbing pansamantalang kanlungan ng mga close contact na naghihintay ng kanilang mga resulta sa test. Nais naming igugol nila ang kanilang quarantine sa pasilidad na ito upang matiyak ang kaligtasan ng kanilang pamilya o mga nakakasama nila,” paliwanag niya.

 

Mayroon nang dalawa CIFs ang lungsod, ang Navotas National High School at Navotas Polytechnic College, na tumatanggap ng 210 patients. (Richard Mesa)

Other News
  • Sandiganbayan, ibinasura ang mosyon ng pamilya Marcos na bawiin ang mga ari-arian

    IBINASURA ng Sandiganbayan ang pakiusap ni dating First lady Imelda Marcos at ng kanyang anak na si Irene Marcos-Araneta na bawiin ang mga ari-arian na inagaw sa kanila sa kanilang na-dismiss na P200-bilyong civil forfeiture case.     Sa 40-pahinang resolusyon noong Enero 25, sinabi ng Fourth Division ng korte na ang mosyon ng dalawang […]

  • US, nangako ng mahigit na ₱430M funding para sa PH maritime law enforcement agencies

    INANUNSYO ng Estados Unidos na tutulong ito para palakasin ang kakayahan ng Philippine maritime law enforcement agencies  sa pamamagitan ng pagbibigay ng $7.5 million, o mahigit  ₱430 milyong halaga ng karagdagang tulong.     Inihayag ito ng White House sa kahalintulad na araw ng pagbisita ni  US Vice President Kamala Harris sa Palawan, ang lalawigan […]

  • Magiging abala na rin sa kasal nila ni Rambo: Management ni MAJA, naglabas na ng official statement sa pag-alis sa ‘Eat Bulaga’

    NAGLABAS na ng official statement ang Crown Artist Management Inc. sa pag-alis ni Maja Salvador sa longest running noontime show na ‘Eat Bulaga’.   Sa Facebook post…   “Crown Artist Management would like to announce that with Maja Salvador’s upcoming wedding, and with all the uncertainties surrounding Eat Bulaga, she will be leaving the noontime […]