• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ikinonek sa mga Pinoy, para maraming maka-relate: VINCE, nag-sorry sa pamilya Aquino dahil ‘di biopic ang ‘Ako Si Ninoy’

NATUTUNGHAYAN na ngayon (Feb. 22) sa mga sinehan ang ‘Ako Si Ninoy’ ng Philstagers Films, ang second musical film na sinulat at dinirek Vince Tañada pagkatapos ng ‘Katips’.
Ang ‘Ako si Ninoy’ ay unang naging matagumpay na stage musical play bago ito isinalin sa pelikula at in-adjust para sa bagong henerasyon
Hindi lang tungkol sa yumaong martir na senador ang pelikulang nakaka-engganyong panoorin dahil hitik din sa production numbers at marami ring mapupulot na aral.
Tungkol din ito sa bawat Pilipino na patuloy ang pakikibaka upang mabuhay sa sarili at labas ng bansa.
Labing-isang pinagtagni-tagni ang kapalaran na inuugnay sa pinagdaanang buhay ni Ninoy simula pagsilang hanggang sa malagim na kamatayan, na napakahusay na nagampanan ni Juan Karlos Labajo, at di naman nagpahuli si Sarah Holmes bilang Pres. Cory Aquino.
Kasama sa pelikula sina Cassy Legaspi, Joaquin Domagoso, Johnrey Rivas bilang Noli, Vean Olmedo, Nicole Laurel Asensio, JM Yosures, Marlo Mortel, Bodjie Pascua, Adelle Ibarrientos-Lim at Jomar Bautista na pawang mapansin-pansin sa kani-kanilang role.
Masusubaybayan sa ‘Ako Si Ninoy’ ang kuwento ng overseas Filipino worker (OFW) na si Noli, isang maybahay na si Ivy, isang guro na si Miss Nuñez, isang mamamahayag na si Oscar, isang teen star na si Yosef, isang lider ng manggagawa na si Andeng, isang aktibista na si Quentin, isang estudyante na si Ingrid,  isang doktor na Dr. Ungria, isang war veteran na si Nanding, at isang batang bayani na si Osbourne.
At dahil sa pagko-connect ni Direk Tañada sa kuwento ni Ninoy sa karaniwang Pinoy, marami talaga ang makaka-relate.
Nagustuhan din namin ang pagkakapasok sa matinding eksena ang film version ng ‘Buwan’ ni JK. Mapapansin din ang muling pagsasadula kay Rebecca Quijano, ang Crying Lady, na sumigaw at umiyak nang barilin si Ninoy pagbaba ng eroplano na kanilang nasaksihan.
Naipasok din ni Direk Vince ang nangyari sa kanya noong bata pa na kung saan nawala at kalaunan at natagpuan din ng kanyang ama habang nasa funeral procession ni Sen. Ninoy, na noong una at hindi niya alam ang relevance nito.
Pero ngayon ay alam na niya ang sagot dahil sa ‘Ako Si Ninoy’, at nag-sorry siya sa pamilya sa ginawa niya, nangloko raw siya dahil hindi ito biopic ni Ninoy, dahiĺ ayaw niyang magalit sa kanya sina Cory, tungkol din ito sa buong nasyon.
Pahayag pa ni Vince, “at sa pamamagitan ng pelikulang ito, sana masabi pa rin natin na, ‘the Filipino is worth living for, the Filipino is worth fighting for, and ultimately the Filipino is worth dying for’…”
(ROHN ROMULO)
Other News
  • Proteksyon ng OFWs, tiniyak ng Taiwan

    TINIYAK ng gobyerno ng Taiwan ang pagbibigay ng proteksyon sa mga Pilipino na nagtatrabaho sa kanilang bansa sakaling sumiklab ang tensyon sa pagitan ng Taiwan at ng China.     Sinabi ni Manila Economic and Cultural Office Chairman Silvestre Bello III na tiniyak sa kaniya ng National Police Agency of Taiwan na handa silang magbigay […]

  • Andrea, magiging masaya pa rin ang Pasko dahil sa pamilya

    HINDI dahilan ang pakiki- paghiwalay ni Andrea Torres kay Derek Ramsay para hindi maging masaya ang Pasko niya.   Tuloy ang Pasko ni Andrea dahil nandiyan daw ang kanyang pamilya na nagmamahal sa kanya unconditionally.   “Ngayon ang importante is ‘yung bonding ng family. Ever since naman ‘yun ang number one sa lahat: to make […]

  • LRMC magbibigay ng libreng shuttle service sa pasahero ng LRT1

    MAGBIBIGAY ng libreng shuttle service ang Light Rail Manila Corp. (LRMC) sa mga pasahero ng Light Rail Transit Line 1 (LRT 1).   Ayon sa LRMC, ang pilot implementation ng libreng shuttle service ay magaganap sa pagitan ng estasyon ng LRT 1 EDSA at Manila Bay ASEANA area kung saan magkakaron ng mga designated loading […]