Ikinuwento ang aksidente nilang pagkikita… ‘Black Rider’ ni RURU, inaming pinaghahandaan na nina COCO
- Published on October 30, 2023
- by @peoplesbalita
MASAYANG ikinuwento ni Ruru Madrid ang aksidenteng pagkikita nila ni Coco Martin sa isang event.
Ayon sa Kapuso Primetime Action Hero, niyakap siya nang mahigpit ng bida ng ‘Batang Quiapo’.
“Sakto nandoon si sir Coco. Nilapitan ko po siya, nakaupo siya, sabi ko, ‘Sir Coco magandang gabi po!’ Tapos bigla siyang tumingin sa akin, tapos tumayo, tapos niyakap niya ako nang mahigpit.
“As in mahigpit na mahigpit, sabi ko, ‘Sir Coco, malaking karangalan pong makilala kita!’” sabi ni Ruru.
Ayon kay Ruru, si Coco pa ang nagsabing pinapanood niya ang ‘Lolong.’
“Sabi niya, ‘Hindi! Ako ang dapat magsabi nu’n!’ Lagi kitang pinapanood, ang galing-galing mo. Napanood ko ‘yung ‘Lolong.’’ Sabi niya, ‘Sobrang husay mo, pagbutihin mo ‘yan,’”
Nabanggit din daw ni Coco na pinaghahandaan na raw nila ang ‘Black Rider’ dahil pareho sila ng oras sa primetime.
Ayon pa kay Ruru, labis din ang paghanga niya kay Coco na hindi umano madali ang ginagawang pagdidirek at siya rin ang artista.
“Sobrang iniidolo ko siya kasi nga nakikita ko ‘yung pagmamahal din niya sa trabaho. Hindi po biro ang ginagawa niya na mag-direk, hindi biro na habang nagdi-direk siya, siya rin ang artista, may fight scenes. So ang taas po ng respeto ko sa kaniya,” ayon kay Ruru.
***
ISANG certified billionaire na si Taylor Swift ayon sa Forbes. May estimate worth ang singer-songwriter na $1.1 billion!
Galing ang assets ni Taylor mula sa kanyang music catalog na nagkakahalaga sa ngayon ng $400 million. Hindi pa kasama dyan ang kaka-drop lang na ‘1989 (Taylor’s Version)’ album.
Ang kanyang kinita sa downloads on Spotify at subscribers sa YouTube ay umabot na sa $120 million. At umabot naman sa $370 million ang kinita niya sa ticket sales and merchandises ng The Eras Tour.
Kasama rin sa assets ni Taylor ay ang worth ng kanyang limang bahay na ang pinakamahal ay umabot sa $250 million. May ilang endorsements din ang singer na umaabot mahigit sa $150 million.
Ang kanyang concert film na ‘The Eras Tour’ ang highest grossing concert tour movie of all time na kumita na ng $178 million sa US domestic box-office.
(RUEL J. MENDOZA)
-
Mga Pinoy na nasa death row, tulungan matapos ibasura ng Malaysia ang mandatory death penalty
Nanawagan ang isang mambabatas sa Departments of Foreign Affairs (DFA) at Migrant workers (DMW) na tulungan ang mga Pilipino na nasa death row sa Malaysia. Ang apela ay ginawa ni Kabayan Partylist Rep. Ron Salo matapos na pagbotohan ng Malaysian government nitong Lunes (April 3, 2023) ang pagtanggal ng mandatory death penalty […]
-
“Ngayon ang tamang panahon para mamuhunan sa Lalawigan ng Bulacan” – Fernando
“SA LAHAT ng mga malalaking development plans at business opportunities dito sa ating lalawigan, ipinagmamalaki kong sabihin sa inyo na ngayon ang tamang panahon para mamuhunan sa lalawigan ng Bulacan. Magkapit-bisig tayo upang maging sentro ng pag-unlad ng ekonomiya ng ating bansa ang Bulacan.” Ito ang mensahe ni Gobernador Daniel R. Fernando sa […]
-
Swiatek at Nadal hinirang bilang world champions ng ITF
TINANGHAL bilang world champions ng International Tennis Federations (ITF) sina Rafael Nadal at iga Swiatek. Ito ay matapos ang matagumpay nilang panalo sa iba’t-ibang torneo ngayong taon. Nagwagi kasi si Nadal sa Australian Open at nakuha nito ang ika-14 na French Open ganun din ang pagkakuha nito ngayong taon ng kaniyang […]