Ilang bahagi ng Malakanyang, nagkaroon ng bagong bihis
- Published on February 9, 2023
- by @peoplesbalita
BAGONG bihis na ang ilang bahagi ng Palasyo ng Malakanyang matapos na isailalim sa renovation o pagsasa-ayos makaraan ang 4 na dekada.
Sa mahigit na 6 na buwan sa puwesto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ay nagawa ng administrasyon nito na bigyan ng bagong bihis ang Palasyo ng Malakanyang.
Sa ulat, sinasabing personal na tinutukan ni Unang Ginang Liza Areneta-Marcos ang mga renovation sa Palasyo ng Malakanyang kung saan kabilang na rito ang Ceremonial Hall at Reception Hall kung saan tinatanggap ang mga mahahalagang bisita ng bansa.
“President Barack Obama, Hillary Clinton, Prime Minister Shinzo Abe ay dumaan na dito. Pope Francis [and] Pope John Paul II ang ilan lamang sa mga pinaka-importanteng bisita ng Malacañang through the years,” ayon kay Louie Esquivel, Presidential Museum and Library tour guide.
“Good impression, of course, is very important because we’re inviting them here which is the most prestigious institution of our country which is in Malacañang Palace,” dagdag na pahayag ni Esquivel.
Sa kabilang dako, maliban sa Ceremonial Hall at Reception Hall, sumailalim din sa renovation ang Internal House Affairs Office, Office of the Social Secretary, Protocol Office, at central kitchen ng Palasyo ng Malakanyang.
May ginagawa ring pagsasa-ayos sa Bahay Pangarap, ang official residence ng Pangulo.
Hanggang sa ngayon ay hindi pa masabi ng Malakanyang kung magkano ang nagastos sa nasabing pagsasa-ayos. (Daris Jose)
-
Psalm 66:20
Blessed be God who did not withhold his love from me.
-
Pagdanganan may natanggap P4M gantimpala
NAWALA sa porma si Bianca Pagdangan nang makahampas lang ng 3-over 73 para sa even 280, upang mapabilang sa four-way tie para sa ninth place na may $84,765 cash prize (P4M) bawat isa at magkapuwesto sa 75th U.S. Women’s Open 2020 sa Houston, Texas sa darating na Disyembre 10-13. Sa pagrolyo ito nitong Linggo […]
-
Kaugnay ng Semana Santa… Mahigit 2,000 personnel, idedeploy ng MMDA sa major roads ng MM
MAHIGIT 2,000 tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang ipapakalat sa mga pangunahing lansangan at mga hub ng transportasyon sa Semana Santa. Ayon kay MMDA spokesperson Mel Carunungan, may kabuuang bilang na 2,104 na mga personnel ang magmomonitor ng mga major roads sa Metro Manila. Partikular na sa mga lugar […]