• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ilang beses nang plinano pero hindi natutuloy…. JERALD, inabot ng sampung taon bago nakapag-propose kay KIM

MAY forever pa rin!

 

 

 

Aba e, makalipas ang sampung taon ng kanilang relasyon, nag-propose na si Jerald Napoles kay Kim Molina.

 

 

 

 

At ang nakatutuwa pa, naganap ang engagement ng magsing-irog sa loob mismo ng PETA (Philippine Educational Theater Association) Theatre Center kung saan sila unang nagkita at nagkakilala.

 

 

Sa mga litrato ng dalawa na naka-post na sa social media, makikita si Jerald na nakaluhod habang nagpo-propose kay Kim, with matching sunflowers at fairy lights na background.

 

 

At siyempre naman, kitang-kita rin sa kanilang mga litrato ang tears of joy ni Kim dahil magiging Mrs. Napoles na siya.

 

 

Akala pala ni Kim ay mag magaganap lamang na pictorial, hindi niya akalain na aalukin na siya ng kasal ni Jerald, proposal na matagal na palang plano ni Jerald.

 

 

Bahagi ng speech ni Jerald para sa nobya at soon-to-be misis, “On this stage, exactly ten years, two months, and five days ago, we met for the first time without knowing each other.

 

 

“Saudi girl and Tondo boy, nag-duet agad tayo nang hindi man lang tayo nag-uusap, doon tayo nagkakilala.

 

 

“So this stage gave me a lot of things in my life.

 

 

“Progress, dreams, goals, career, a name [in the showbiz industry], family, friends, newfound friends, and of course, special someone.

 

 

“Pasensiya na kung sampung taon ang inabot.

 

 

“Pinahilom lang siguro ng panahon, marami rin kasi tayong challenges kaya hindi rin matuluy-tuloy.

 

 

“I’ve been planning to do this last year, supposedly on your birthday, but due to circumstances, hindi natuloy.

 

 

“And then I’ve planned to do this also on Christmas… and sa Coldplay concert kaso nagka-LBM ka, so hindi rin natuloy.

 

 

“The final plan was supposedly kung natuloy tayo sa Europe… mas intimate sana kung tutuusin.

 

 

“Baka dito talaga itinadhana kung saan tayo nagsimula, kung saan mas sincere, actually, kung dito.

 

 

“Maraming-maraming salamat sa lahat ng pagmamahal na ibinigay mo.

 

 

“Salamat sa pagsama sa akin sa loob ng sampung taon at sana magtuluy-tuloy pa.”

 

 

Matapos ang kanyang speech ay dito na lumuhod si Jerald at binitiwan ang napakahalagang katanungang, ‘Will you marry me?’, na umiiyak na sinagot ni Kim ng ‘Yes!’

 

 

At natatandaan mo ba my dear editor Rohn Romulo, magkasama tayo na nag-interbyu many years ago kay Jerald sa isang restaurant (saan na nga ba iyon?, ’Taste of L.A. Cafe’) noong mga panahong halos baguhan pa lamang si Jerald sa showbiz at alaga pa siya ng kaibigan nating si Rams David?

 

 

How time flies…

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • BIR inadjust ang floor prices ng sigarilyo, vape products at iba pa

    NAGLABAS  ang Bureau of Internal Revenue Philippines (BIR) ng mga bagong tax update na nagre-regulate sa floor price ng Sigarilyo, Heated Tobacco, Vaporized Nicotine, at Non-Nicotine Products sa pamamagitan ng pag-isyu ng Revenue Memorandum Circular No. 49-2023 noong Mayo 5.     Alinsunod sa mga umiiral na batas, ang BIR ay may mandato na magbbigay […]

  • 2 arestado sa patalim at shabu sa Valenzuela

    BAGSAK sa kulungan ang dalawang lalaki matapos makuhanan ng patalim at shabu sa isinagawang anti-criminality operation ng mga awtoridad sa Valenzuela City.     Kinilala ang naarestong mga suspek na sina Danilo Dela Paz, 53, construction worker ng Obando, Bulacan at Christopher Joseph, 43 ng Woodland, Malanday.     Base sa ulat ni PSSg Carlos […]

  • ‘Lahar’ posibleng umagos uli sa Negros Island buhat ng matinding ulan — Phivolcs

    NAGBABALA ang state volcanologists tungkol sa muling pag-agos ng “volcanic sediment flows” o lahar buhat ng mga tinatayang pag-ulan ngayon sa Negros Island, ito ilang araw matapos ang pagsabog ng Bulkang Kanlaon.       Ito ang ibinahagi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolca) ngayong Huwebes ngayong tinataya ng PAGASA ang ilang thunderstorms […]