• June 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Lahar’ posibleng umagos uli sa Negros Island buhat ng matinding ulan — Phivolcs

NAGBABALA ang state volcanologists tungkol sa muling pag-agos ng “volcanic sediment flows” o lahar buhat ng mga tinatayang pag-ulan ngayon sa Negros Island, ito ilang araw matapos ang pagsabog ng Bulkang Kanlaon.

 

 

 

Ito ang ibinahagi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolca) ngayong Huwebes ngayong tinataya ng PAGASA ang ilang thunderstorms sa isla ngayong araw.

 

 

“These rains could generate lahars, muddy streamflows or muddy run-off in the above-mentioned and other rivers draining the southern Kanlaon edifice,” ayon sa isang pahayag ng PAGASA kanina.

 

 

Kabilang na rito ang mga sumusunod:

Tamburong Creek

Intiguiwan River at upstreaam Baji-Baji Falls

Padudusan Falls

Binalbagan River

 

 

Una nang kumalat sa social media ang mga video at litrato ng mga nabanggit.

 

 

“The lahars were generally channel-confined, but flows along Tamburong Creek overflowed and dumped a few centimeters of deposit on a stretch of the main road in Biak-na-Bato, rendering this impassable to motorists,” wika ng Phivolcs.

 

 

Payo ng mga dalubhasa ang maging mapagmatyag at handa ng mga komunidad lalo na sa paligid ng mga ilog na nagde-drain sa katimugan ng Kanlaon.

 

 

Inaabisuhan din sa ngayon ang mga naturang komunidad na patuloy bantayan ang lagay ng panahon at magsagawa ng karampatang aksyon kung saka-sakaling tamaan ng lahar.

 

 

Naitala ng Phivolcs ang sumusunod sa nakaraang 24 oras sa paligid ng naturang bulkan:

 

volcanic earthquakes: 27

sulfur dioxide flux: 3464 tonelada / araw

plume: 1500 metrong taas; malakas pagsingaw; napadpad sa hilagang-kanluran,timog-silangan at timog-kanluran

ground deformation: pamamaga ng bulkan

 

 

Ipinaalalang uli ng state volcanologists na bawal pa rin ang pagpasok sa apat na kilometrong (4 km) radius permanent danger zone o PDZ at paglipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan.

 

 

Babala pa ng Phivolcs, nariyan pa rin ang baanta ng mga biglaang pagputok ng steam o phreatic explosions lalo na’t nasa Alert Level 2 pa rin ang Kanlaon.

 

 

Umabot na sa 2,400 residente ang naapektuhan ng pagsabog ng bulkan nitong Lunes, dahilan para mapalikas ang 1,669 katao ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council. (Daris Jose)

Other News
  • Fadol sinilat Italian, wagi rin kontra Qatari sa Doha

    HUMATAW ng mga kambal na panalo sina Rose Jean Fadol at Jann Mari Nayre para sumungaw na sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inurong lang ng COVID-19 sa darating na July 23-August 8 ng taong ito.     Ginulantang ni Fadol, 26, si Olympian Debora Vivarelli ng Italy, 11-6, 11-9, 11-9, […]

  • ‘No vax, no ride’ sa Metro Manila, tigil muna – DOTr

    SIMULA Pebrero 1, ay pansamantalang ititigil ng Department of Transportation (DOTr) ang pagpapatupad ng ‘no vaccination, no ride policy’ sa mga pampublikong transportasyon sa Metro Manila.     Kasunod na rin ito nang pagsasailalim na ng pamahalaan sa National Capital Region (NCR) sa Alert Level 2, simula Pebrero 1 hanggang 15.     Nangangahulugan ito […]

  • 3 most wanted persons, nabitag sa Valenzuela

    PINURI ni Northern Police District (NPD) Acting District Director P/Col. Ponce Rogelio Peñones Jr ang Valenzuela City Police sa ilalim ng pamumuno ni P/Col. Salvador Distura Jr sa matagumpay na manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa tatlong most wanted persons sa loob lamang ng isang araw.     Ani Col. Destura, alinsunod sa kampanya […]