Ilang Cabinet, PSG members nauna na sa bakuna
- Published on December 29, 2020
- by @peoplesbalita
Kinumpirma ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na ilang miyembro ng Gabinete at Presidential Security Group (PSG) ang nabakunahan na laban sa COVID-19.
Ito’y kahit pa sinabi na ng Food and Drugs Administration (FDA) na wala pa silang COVID-19 vaccine na inaaprubahan sa Pilipinas.
Gayunman, tumanggi si Año na pangalanan kung sinu-sino ang mga personalidad na nabigyan na ng bakuna dahil confidential ito at posibleng malabag aniya niya ang privacy ng mga ito.
“Alam mo kasi that is what you call privacy, kumbaga confidential ‘yun eh. You cannot divulge because I might be violating his privacy, but I know some from the Cabinet and from the Presidential Security Group,” ayon pa kay Año, sa panayam sa radyo.
Kaugnay nito, nagpahayag ng paniniwala si Año, na ang mga bakuna ay maaari nang magamit lalo na ng mga health workers at iba pang frontliners dahil may emergency use authorization (EUA) naman ito, kahit hindi pa ito pormal at pinal na naaaprubahan.
“’Yung mga gamot na ‘yan may EUA yan eh, emergency use authorization. Kahit na hindi pa ‘yan formally and finally approved, in times of pandemic, puwede gamitin ‘yan ng mga tinatawag nating health workers, frontliners,” paliwanag pa niya. “’Yun ‘yung essence noon eh, bakit mo aantayin ‘yung final approval kung nangamatay na ‘yung mga health workers at mga frotliners?” sabi pa ni Año.
Kinumpirma rin kahapon ni PSG Chief B/Gen. Jesus Durante III na nabigyan na ng bakuna laban sa COVID-19 ang mga miyembro ng PSG.
Sa inilabas na statement ni Durante, sinabi nito na ang pangunahing trabaho ng PSG ay protektahan ang pinakamataas na lider ng bansa at sa kasalukuyang pandemya, dapat matiyak na hindi sila mismo ang maglalagay sa panganib sa kalusugan at kaligtasan ng Pangulo.
Ang desisyon aniya ng PSG ay isang matapang na hakbang para sa pagtupad sa tungkulin. Ang pagpapabakuna aniya ay hindi nila ginawa para sa personal na kadahilanan kundi dahil sa isang mas mataas na layunin na protektahan ang Pangulo.
Una na ring sinabi ni Pang. Rodrigo Duterte na marami ng tao sa bansa, ang nabigyan ng COVID-19 vaccine mula sa Chinese pharmaceutical firm na Sinopharm, at kabilang dito ang mga military at pulis. (Daris Jose)
-
4 drug suspects huli sa P292K shabu sa Caloocan, Valenzuela
TINATAYANG halos P.3 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa apat na hinihinalang drug personalities matapos masakote sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Caloocan at Valenzuela Cities. Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng impormasyon mula sa […]
-
Legaspi pang-13 sa Cactus
LUMAGAK na pang-13 ang dating national golf women’s team member na si Clare Amelia ‘Mia’ Legaspi sa kahahambalos na Morongo-Champions sa Morongo Golf Club/Tukwet Canyon sa Beaumont, California, United States. Bumitaw ang Pinay golfer ng seven-over par 79 sa opening at six-over 78 sa closing upang maisalba ang 13-over 157 sa 24-player event […]
-
Ads December 20, 2022