• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ilang executive posts, bakante

BAKANTE  pa rin ang ilang posisyon sa executive department. Base sa Memorandum Circular 1 na nilagdaan ni  Executive Secretary Victor Rodriguez , nakasaad dito ang mga posisyon na kinokonsiderang bakante simula noong tanghali ng  Hunyo 30, o nang magsimula ng umupo sa kanyang tanggapan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

 

 

Ang mga ito ayon sa MC 1 ay “all presidential appointees whose appointments are classified as co-terminous; all presidential appointees occupying positions created in excess of the authorized staffing pattern; all non-career executive service officials occupying career executive service positions; and contractual and/or casual employees.”

 

 

Ang dokumento ay inisyu noong Hunyo 30 subalit   ipinalabas sa media kamakailan.

 

 

Sa kabilang dako,  upang matiyak na magpapatuloy ang  paghahatid ng government services,  sinabi ng Malakanyang na ang  mga bakanteng  posisyon sa  mga heads of executive departments  at iba pang  tanggapan ay  pansamantalang uupuan ng “most senior official” na magiging officer-in-charge (OIC).

 

 

Gagampanan nito ang tungkulin ng top official hanggang Hulyo 31  o hanggang makahanap ng itatalagang kapalit.

 

 

Hindi naman nakalista sa dokumento ang mga ahensiya ng “top post” na kinukunsiderang bakante.

 

 

Samantala, nakasaad pa rin sa  circular  na ang lahat ng non-career executive officials na umookopa ng career executive service positions ay mananatili sa tanggapan  “on a hold-over capacity” hanggang Hulyo 31, o hanggang  sa matanggap ang kanilang pagbibitiw sa puwesto o makahanap ng ipapalit sa kanila.

 

 

Ang mga apektadong contractual o casual employees na ang kontrata ay nasa ilalim ng administrasyon ni  dating Pangulong Rodrigo Roa  Duterte na napaso’ o expired na ay ipagpapatuloy pa rin ang kanilang serbisyo hanggang sa katapusan ng buwan maliban na lamang kung maagang tinapos o ni-renew. (Daris Jose)

Other News
  • Kasama pa ang kanyang ina na si Esther Lahbati: SARAH, kabilang na rin sa mga Pinoy na may billboard sa New York

    MAGPI-FINALE pa lang next week ang Mano Po Legacy: Her Big Boss, pero heto’t nag-launch na si Ken ng bago niyang single under GMA Music, ang “QuaranFling.”       Obviously, inspired sa quarantine ngayong may COVID-19. At habang naka-quarantine nga, marami raw naging realization at the same time, achievement si Ken.     “Kahit […]

  • Pangakong P10B ni PDu30, huhugutin sa calamity, contingency fund, 2022 GAA —DBM

    SINABI ng Department of Budget and Management (DBM) na may paghuhugutan na ang P10-billion aid para sa mga biktima ng bagyong Odette na ipinangako ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.   “For the P10 billion which the resident mentioned, the P2 billion is already available under the NDRRMF which is the long name of the calamity […]

  • KASO NG OMICRON SUBVARIANT BA 2.75, NAITALA SA BANSA

    INIULAT  ng Department of Health (DOH) nitong Martes na naitala ng bansa ang mga unang kaso ng Omicron subvariant BA.2.75 na kaso.     Sinabi i ni Health Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na ang unang dalawang kaso ng BA.2.75 subvariant ay parehong mula sa Western Visayas na aniya ay kapwa nakarekober na sa virus.   […]