• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ilang flights sa NAIA terminal 2, ililipat sa NAIA terminal 1

SIMULA Disyembre 1 ay ililipat na ang  ilang mga flights mula NAIA Terminal 2 patungo sa NAIA Terminal 1.

 

 

Sa Laging Handa public briefing, inanunsyo ni Manila International Airport Authority (MIAA) assistant general manager Brian Co  na gagawin nila ang hakbang upang ma-decongest ang NAIA Terminal 2 dahil na din sa dami ng flight ng Philippine Airlines.

 

 

Aniya, mas  maluwag ang NAIA 1 at kayang mag-accommodate pa ng mga flights na magmumula sa NAIA Terminal 2.

 

 

Magsisilbi aniyang pambalanse ang hakbang na ito  upang hindi naman maging siksikan ang terminal 2 lalo na ngayong holiday season.

 

 

Sa kabilang dako, apektado ng naturang hakbang ang mga papunta at parating galing ng Estados Unidos, Canada at Middle east.

 

 

Samantala, bunsod ng  inaasahang  pagdagsa ng mga pasahero ngayong holiday season, wini ka ni Co na magdaragdag sila ng manpower kabilang na ang mga ground handlers habang titiyakin din ng kanilang operations na ligtas ang mga bumibiyaheng eroplano ngayong inaasahang pagdami ng volume ng mga biyahero. (Daris Jose)

Other News
  • Ukrainian President Zelensky iginiit na hindi natatakot sa anumang bansa

    IGINIIT ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy na hindi sila natatakot sa anumang bansa.     Sinabi nito na marami silang mga kaalyadong bansa na handang tumulong.     Reaksyon ito sa naging anunsiyo ni Russian President Vladimir Putin na tila inaampon na nila ang dalawang breakaway region ng Ukraine ang Donetsk at Luhansk.     […]

  • Mark Wahlberg Reveals Why ‘Father Stu’ Is His Most Important Film To Date

    MARK Wahlberg, the star of the upcoming biographical drama Father Stu, reveals why he thinks it’s the most important film of his career to date.     Helmed by first-time director Rosalind Ross, Father Stu follows the real-life story of Father Stuart Long, a boxer-turned-priest who inspired myriad people in his journey from self-destruction to redemption. All the while, he was […]

  • 3 SA 105 BAGONG NAGPOSITIBO SA COVID SA NAVOTAS, NASAWI

    TATLO sa 105 mga bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Navotas ang nasawi kamakalwa, Hulyo 28, habang 77 pasyente naman ang gumaling, ayon kay Mayor Toby Tiangco.   Sa kabuuan ay 1,623 na ang kumpirmadong kaso ng nasabing sakit sa lungsod, 750 dito ang active cases, 783 ang gumaling na at 90 naman […]