ILANG KALSADA, DI PA RIN MADAANAN-DPWH
- Published on December 22, 2021
- by @peoplesbalita
NAG-ABISO sa mga motorista ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na hindi pa rin maaaring madaanan ang walong kalsada habang limitado ang access ng limang pang kalsada dahil sa pagbaha, landslide, bumagsak na tulay at soil collapse o pagguho ng lupa.
Ayon sa Department of Public Works and Highways-Bureau of Maintenance (DPWH-BOM) ang mga saradong kalsada ay ang Puerto Princesa North Road, section sa Langogan Bridge at iba pang section sa Brgy Langogan, Puerto Princesa City sa Palawan;Daang Maharlika sa Southern Leyte; Misamis Oriental – Bukidnon – Agusan Road sa Brgy. Siloo at Brgy. San Luis. Malitbog, Bukidnon; Butuan City – Cagayan de Oro City – Iligan City Road, Old Mambayaan Bridge; Sta. Filomena – Bonbonon – Digkilaan, Rogongon Road; Sitio Salinsing, Brgy. Rogongon, Ilagan City; Dinagat-Loreto Road Mahayahay, San Jose, Dinagat Islands;Bayugan-Calaitan-Tandag Road sa Brgy. Sto. Nino, Bayugan City, Agusan del Sur; Bayugan-Esperanza Road, Brgy. Nato at Brgy Hawilian, Esperanza, Agusan del Sur.
Limitado naman ang access sa Anini-Y – T. Fornier – Hamtic Road, sa Antique, Jct. SH Impasug-ong – Patulangan By-Pass Rd, sa Bukidnon; Dinagat-Loreto Road , Mahayahay, San Jose, Dinagat Islands; NJR Bah-Bah-Talacogon Rd., sa Brgy, Lucena, Prosperidad, Agusan del Sur; at Butuan City-Pianing-Tandag Rd. Brgy. Anticala, Butuan City, Agusan del Norte.
Nasa 29 kalsada naman ang nalinis na at binuksan na ng DPWH Quick Response Teams mula sa Regional Offices at District Engineering Offices sa mga apektadong lugar simula December 16, 2021.
Ang partial cost ng pinsala sa public infrastructure ay nanatiling aabot sa P308.9 milyon. GENE ADSUARA
-
Nag-celebrate na sila ng second wedding anniversary: SARAH, kitang-kita na sobrang happy at wini-wish na magka-baby na sila ni MATTEO
NAG-CELEBRATE na last Sunday, February 20 ang mag-asawang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo ng kanilang second wedding anniversary. Minarkahan ng 31-year-old hunk actor ang isa pang milestone nila bilang mag-asawa ng tinaguriang Popstar Royalty sa pamamagitan ng nakakakilig na series of photos sa kanyang IG post. Ikinasal noong February 20, 2020 […]
-
NOISE BARRAGE NG ANAKBAYAN, IPINATIGIL
IPINATIGIL ang ginawang noise barrage ng militanteng grupong Anakbayan sa Trabajo Market sa Sampaloc, Maynila. Mismong ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) at barangay na nakakasakop sa lugar ang nagpatigil sa kanilang aktibidad matapos mapag-alaman na walang permit. Panawagan umano ng grupo sa grobyerno ang karapatan ng mga mga vendors sa […]
-
US, EU, Japan diplomats nagpahayag ng pagkabahala sa akyon ng Tsina sa PCG boats
MAY ilang foreign diplomats ang nagpahayag ng pakabahala sa ginawang pagharang at paggamit ng water cannon ng China Coast Guard sa isang sibilyan na barko na inarkila ng militar para magdala ng suplay sa mga sundalong naka station sa BRP Sierra Madre sa bahagi ng Ayungin Shoal. Sa tweet ni Australian Ambassador to […]