• January 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NOISE BARRAGE NG ANAKBAYAN, IPINATIGIL

IPINATIGIL ang ginawang noise barrage ng militanteng grupong  Anakbayan  sa Trabajo Market sa Sampaloc, Maynila.

 

Mismong ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) at barangay na nakakasakop sa lugar ang nagpatigil sa kanilang aktibidad matapos mapag-alaman na walang permit.

 

 

Panawagan umano ng grupo sa grobyerno ang karapatan ng mga mga vendors sa kabuhayan  lalo  na’t  patuloy ang pagtaas ng presyo ng bilihin.

 

Napag-alaman din na iginiit ng grupo na kasama  sa  aktibidad ang mga vendors ng Trabajo Market para ipaalam ang kanilang hinaing pero napag-alaman na sila-sila lang pala ang magsasagawa ng noise barrage.

 

Ayon naman kay Brgy. 453, Zone 45, Chairwoman Leticia de Guzman, walang permit at hindi niya pinayagan ang nasabing aktibidad ng militanteng grupo kung saan hindi rin tototo na may mga vendors na kasama nila sa noise barrage.

 

Agad din kinausap ni Guzman ang mga vendors para alamin kung may mga pagkukulang ba sa pamamalakad ng pamunuan ng palengke at iba pang hinaing ng mga ito.

 

Ayaw naman umanong paawat ang mga militante kaya napilitan silang paalisin ng mga awtoridad dahil nagdudulot na ito ng perwisyo sa daloy ng trapiko at hindi na rin nasusunod ang inilatag na health protocols. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Government streamlining bureaucracy, aayusin -PBBM

    PAPEL ng gobyerno na ayusin ang bureaucratic processes para maiwasan ang  nakasanayang korapsyon.     Inihayag ito ng Pangulo sa isinagawang paglulunsad at  covenant signing ng Executive Order No. 18, “which constitutes the green lanes for strategic investments.”     “So we know, we in the government know what is necessary. So let us take […]

  • 12 nanalong senador naiproklama na

    IPRINOKLAMA na ng Commission on Elections na umuupo bilang National Board of Canvassers nitong Miyerkules, Mayo 18, ang 12 senador na nanalo sa nakalipas na May 9, 2022 National at Local Elections.     Alinsunod sa NBOC Resolution No. 002-22, iprinoklama na sina ­Senators-elect Robin Padilla, Loren Legarda, Raffy Tulfo, Sherwin Gat­chalian, Francis ‘Chiz’ Escudero, […]

  • PBBM hinikayat ang mga kabataang lider na makialam sa pamamahala

    BINIGYANG-DIIN ang kahalagahan ng mga kabataang Filipino sa national development, hinikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. araw ng Miyerkules, ang nakababatang henerasyon na makialam sa pamamahala at pampulitikang diskurso kasabay ng pangako ng Chief Executive ng kumpletong suporta mula sa national government.     “Kung mayroon kayong nakikitang mas magandang pamamaraan, sabihin ninyo. Isigaw […]