• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ILANG KALYE SA CALOOCAN, NI-LOCKDOWN

ISINAILALIM sa isang linggong lockdown ang mga lugar na pumapaloob sa 5th Street, Magsaysay Street, 6th Street at C3-Road sa Barangay 123 at ang mga kalye ng Panay, Guinugitan, Masbate, at Victoria sa H. Dela Costa Homes, Barangay 179, Caloocan City simula 12:01am ng Setyembre 3 hanggang 11:59pm ng Setyembre 9, 2021. 

 

 

 

Ayon sa Pamahalaang Lungsod, ipatutupad ang lockdown sa mga apektadong bahagi ng Barangay 123 matapos makapagtala ang City Health Department sa nasabing barangay ng anim na aktibong kaso ng COVID-19 at hindi bababa sa 119 close contacts na kabilang sa nasa 27 mga pamilya.

 

 

 

Samantala, ipatutupad naman ang lockdown sa mga kalye ng Panay, Guinugitan, Masbate at Victoria sa H. Dela Costa Homes sa Barangay 179 matapos makapagtala sa mga lugar na ito ng 16 aktibong mga kaso ng sakit at hindi bababa sa 103 close contacts.

 

 

 

Batay sa kautusan, sa buong panahon ng lockdown, mahigpit na pagbabawalan ang mga residente na lumabas ng kanilang mga tahanan at tanging medical frontliners, essential government employees, mga pulis, mga opisyales ng barangay at mga indibidwal na nangangailangan ng atensyong medikal lamang ang papayagang lumabas ng kanilang tahanan.

 

 

 

Layunin ng isasagawang lockdown na magsagawa ng mass swab testing at contact tracing sa mga residente, kasabay ng malakawang misting at disinfecting operations sa lugar.

 

 

 

Tiniyak din na mamamahagi ng food packs ang Pamahalaang Lungsod ng Caloocan sa mga apektadong residente. (Richard Mesa)

Other News
  • Petro Gazz pasok na sa semifinals ng 2023 PVL All-Filipino Conference

    Pasok na sa semifinals ng 2023 PVL All-Filipino Conference ang Petro Gazz.   Ito ay matapos talunin ang Akari sa apat na set 25-15, 25-19, 22-25, 25-16 sa laro na ginanap sa Philsport Arena.   Nanguna sa panalo si Grethcel Soltones na nagtala ng 20 points mula sa kaniyang 16 na atake at four aces. […]

  • Gilas gagapang na parang ahas sa SEA Games 3-peat crown

    Dadaan sa butas ng karayom ang Gilas Pilipinas women’s basketball team para sa kauna-unahang misyong three-peat championship sa 32nd Southeast Asian Games 2023 sa Mayo sa Cambodia.     Siniwalat ito ni national coach Petrick Henry Aquino sa Philippine Sportswriters Association Forum na mga hatid ng San Miguel Corporation, MILO, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic […]

  • Trapik sa Kalakhang Maynila, pinuna ni PDU30

    PINUNA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kakulangan sa hakbang at iba’t ibang solusyon na ipinatupad ng mga otoridad para mabawasan ang bigat ng trapik sa Metro Manila.     Sinabi ng Chief Executive na sa Las Pinas, kulang pa rin ang mga nagawa ng hakbang sa kabila ng iba’t ibang paraan ng ginawa para […]