Ilang kolehiyo sa bansa, posibleng magsara
- Published on July 17, 2020
- by @peoplesbalita
MALAKI ang posibilidad na may ilang kolehiyo sa bansa ang magsara bunsod ng kakulangan sa mga enrollees.
Ito ang sinabi ni CHED Commissioner Dr. J. Prospero “Popoy” E. De Vera III sa public address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, araw ng Miyerkules, Hulyo 15.
Ani De Vera, natatakot kasi ang mga magulang para sa kaligtasan ng kanilang mga anak sa gitna ng coronavirus disease 2019 pandemic.
“Meron na pong ilang eskwelahan na nagsabi sa CHED na magsasara sila dahil yung enrollment po ay talagang bumaba, natatakot ang mga magulang at estudyante at mayroon na pong ilang nag-report sa CHED,” ani De Vera.
“Ang problema po, wala kaming policy sa pagsara kasi itong COVID ay hindi pa nangyari sa matagal na panahon, so we’re only crafting it,” dagdag na pahayag nito.
May ilan aniyang private schools at local governments ang nalilito sa kung ano ang kanilang gagawin ukol sa pagpasok sa mga lugar na walang internet connection.
“Pero humihingi ho ko ng guidance ‘yung mga private schools, in particular, atsaka local governments kasi hindi ho nila alam ang gagawin lalo sa mga area na wala talagang internet connection,”aniya pa rin.
Nauna rito, ipinanukala ni De Vera na i-delay o iurong sa second semester ang klase na kailangan ang person-to-person interaction. (Daris Jose)
-
SHARON, sinagot ang tanong ng netizen: ‘wedding ring’ nila ni GABBY matagal nang binigay kay KC
ILANG araw after na makapag-vaccinate si Megastar Sharon Cuneta, masaya naman niyang pinost ang pagmo-mall nila na aminadong na-miss niya. Say ni Sharon, “I missed and still miss this mall near my former home here. Happy to be here again though! First time at a mall since March 2020!!!” Kasunod nito […]
-
Pinas, puntirya na makakuha ng 202 million doses ng COVID-19 vaccines
MULA sa inisyal na target na 148 milyon ay puntirya na ngayon ng Pilipinas na makakuha ng 202 million doses ng COVID-19 vaccines. Sinabi ni Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr. na target na ng bansang bumili ng 158 million doses at tumanggap ng dagdag na 44 million doses mula sa Covax Global vaccine sharing […]
-
Ads June 24, 2021