Ilang lugar sa bansa, maaari ng ideklara at isailalim sa “new normal”
- Published on September 23, 2020
- by @peoplesbalita
MAY ilang lugar na sa bansa ang maaari ng isailalim sa “new normal” ngayong Oktubre.
Ito’y dahil sa zero COVID-19 transmission sa ilang bahagi ng Pilipinas.
Ang Community quarantine measures para sa buwan ng Oktubre “will not be the same,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.
Posible kasing bawiin ang virus restrictions sa ilang lugar.
Karamihan ng lugar sa Pilipinas ayon kay Sec. Roque ay nasa ilalim ng relaxed general community quarantine (GCQ) at modified general community quarantine (MGCQ) hanggang sa katapusan ng buwan habang hangad ng pamahalaan na muling simulan ang economic activity.
“There will be areas na mayroong zero transmission in the past month na puwede nang ideklara as under the regime of new normal,” ayon kay Sec. Roque.
“In that sense, magkakaroon tayo ng mga bagong classification, magkakaroon tayo ng new normal aside from MGCQ,” dagdag na pahayag nito.
Sa ulat, ang Pilipinas ay patuloy na nakapagtatala ng bagong COVID-19 cases kada araw sa kabila nang ipinatutupad na pinakamahaba at pinakamahigpit na lockdowns sa buong mundo.
Mayroon itong 4-step quarantine system, bago ang “new normal” na may ipinatutupad na minimum health standards gaya ng pagsusuot ng face masks, face shields at physical distancing.
Ang Metro Manila, coronavirus epicenter ng bansa ay nasa ilalim ng GCQ sa ikatlong pagkakataon.
Ipinatupad ang virus lockdowns noong Marso, pinakamataas na enhanced community quarantine o ECQ, na sinundan ng modified ECQ, GCQ, at MGCQ.
Ang MGCQ ang magsisilbing transition point para sa new normal o lubos na pagpapagaan ng virus restrictions. (Daris Jose)
-
Biktima ng mail order bride, nasabat sa MCIA/NAIA
NASABAT ng Bureau of Immigration (BI) ang isang babae na biktima ng pekeng marriage scheme na biyaheng China ang nasabat sa Mactan International Airport (MCIA) . Kinilala ang biktima na isang 23-anyos na babae na hindi pinangalanan alinsunod sa anti-trafficking laws. Ang babae na nagsabing pupunta siya ng China upang umano’y bisitahin ang kanyang asawa […]
-
Willem Dafoe Reveals His Idea for a Sequel to Todd Phillips’ ‘Joker’
SPIDER-MAN: No Way Home star Willem Dafoe admitted in his interview with GQ, that he’s seriously thought about portraying a version of Batman’s nemesis the Joker in a sequel to Todd Phillips’ Joker. “There is something interesting about, like, if there was a Joker imposter,” the actor says. “So it would be possible […]
-
8 MOST AWAITED SHOWS AND FILMS THIS OCTOBER ON NETFLIX
READY for your monthly run- down of all things Netflix? If you’re the kind who need to plot your binge-watching schedules for the month, worry not, because we’re giving you a rundown of the most awaited shows and films launching on Netflix this October. Barangay 143 (October 1) Barangay 143 is a Filipino-Japanese […]