• February 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ilang lugar sa Luzon, mawawalan ng supply ng kuryente

Mawawalan ng supply ng kuryente ang ilang lugar sa Luzon ngayong linggong ito bunsod na rin nang ikinasang mga pagkukumpuni ng Manila Electric Company (Meralco).

 

Ayon sa Meralco, sisimulan nila ang pagkukumpuni sa Setyembre 8, Martes, hanggang sa Setyembre 12, Sabado.

 

Nabatid na kabilang sa mga maaapektuhan nito ay ang ilang lugar sa Novaliches, Quezon City sa Setyembre 8.

 

Apektado rin ang Almanza Dose sa Las Piñas City at Alabang, Muntinlupa City sa Setyembre 8 at 9.

 

Samantala sa Setyembre 9 at 10 ay apektado ang Las Piñas City at Cainta, Rizal.

 

Inaasahang sa Setyembre 10 at 11 naman ay apektado ng power interruption ang ilang lugar sa Maragondon, Naic at Ternate, Cavite gayundin ang Grace Park, Caloocan City at Tondo, Manila.

 

Samantala, sa Setyembre 12, ­inaasahang mawawalan ng suplay ng kuryente sa ilang bahagi ng Dasmariñas City, Cavite.

 

Kaugnay nito, humihingi naman ang Meralco ng paumahin at pang-unawa sa publiko sa perwisyong posibleng dulot ng kanilang maintenance works, na ang layunin anila ay higit pang mapaghusay ang kanilang serbisyong ipinagkakaloob sa publiko. (ARA ROMERO)

Other News
  • Elizabeth Olsen, Praises America Chavez actor Xochitl Gomez

    IN an exclusive interview with Screen Rant, Elizabeth Olsen who plays Wanda Maximoff/Scarlet Witch commends America Chavez actor Xochitl Gomez for her preparedness and bravado during the production of Doctor Strange in the Multiverse of Madness.      The MCU veteran compared Gomez to her younger self, stating that the 16-year-old actor was much more confident than she was when she first entered […]

  • Gobyerno, palaging handang tulungan ang mga mamamayan at health front-liners sa Region 12 (Soccsksargen) at BARMM

    TINIYAK ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go sa mga mamamayan at health front-liners sa Region 12 (Soccsksargen) at sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na palaging handa ang pamahalaan na tugunan ang kanilang pangangailanan sa gitna ng pandemiya.   Sa ginawang monitoring visit si Go sa nasabing lugar, araw ng Biyerne ay siniguro […]

  • Job fairs at Kadiwa ng Pangulo para sa Manggagawa stores, bubuksan sa araw ng Labor day – DOLE

    MAGDARAOS  ng job fair ang pamahalaan at magbubukas ng Kadiwa ng Pangulo para sa Manggagawa stores sa 16 na rehiyon sa bansa sa Labor day, Mayo 1 ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).     Ito ay sa pakikipagtulungan na rin ng Department of Trade and Industry at ng Department of Agriculture.   […]