Ilang mga NBA players posibleng hindi na makasali sa Olympics dahil sa COVID-19 pandemic
- Published on June 12, 2020
- by @peoplesbalita
Hindi pa matiyak ni Golden State Warriors coach Steve Kerr kung mayroong mga NBA players na maglalaro sa Tokyo Olympics.
Sinabi ni Kerr na tatayo bilang assistant coach ni Gregg Popovich ng USA Basketball Team, na wala itong idea kung paano ang takbo ng nasabing torneo.
Dagdag pa nito na wala pa kasi silang nakukuhang konkretong impormasyon mula sa organizer ng Olympics.
Isa ang US sa walong koponan na naka-qualified na sa 12-team men’s tournament sa Tokyo Olympics.
Noon kasing 2016 Rio Olympics ay mayroong 46 na NBA players ang sumali mula sa mga bansang kanilang-pinagmulan subalit pinangangambahan ngayon ng marami na baka mabawasan na ito dahil sa pangamba sa coronavirus pandemic.
Nauna rito nagpasya ang organizers ng Tokyo Olympics na gawing simple na lamang ang mga laro matapos na ito ay mailipat mula sa Hulyo 2020 ay gagawin na lamang ito sa 2021.
-
Pacquiao todo kayod na sa ensayo
Dalawang linggo na lamang bago ang laban kaya’t todo ensayo na si eight-division world champion Manny Pacquiao para sa laban nito kay Errol Spence Jr. sa Agosto 21 (Agosto 22 sa Maynila) sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada. Naglabas pa ng video si Pacquiao upang ipakita sa mga fans nito ang bilis […]
-
Ads October 2, 2021
-
Bayad ng take-off, landing, parking fees suspendido muna vs COVID-19 – DOTr
INUTUSAN ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at Manila International Airport Authority (MIAA) na ipagpaliban muna ang pagbabayad ng take-off, landing, at parkingfees ng mga local airlines dahil sa nararanasang COVID-19. “We are in a situation that is not of our own liking nor […]