Ilang opisyal ng DFA, positibo sa COVID-19
- Published on February 1, 2021
- by @peoplesbalita
Sarado muna ang punong tanggapan ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang sa Martes, Pebrero 2, 2021, para sa pag-disinfect.
Ito ang naging anunsyo ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr., matapos na magpositibo sa COVID-19 ang ilan sa kanilang mga opisyal.
Agad namang nilinaw ni Locsin na negatibo na siya sa virus, subalit kailangan pa ring tapusin ang quarantine period, lalo’t may bagong variant na nade-detect lamang matapos ang ilang araw.
Hindi naman binanggit ng kalihim kung sino ang mga tinamaan ng virus sa kanilang opisina.
Simulan noong Biyernes ay kapansin-pansin na halos wala nang makikitang mga tauhan sa loob ng DFA building sa Pasay City. (Daris Jose)
-
Meeting ni Sy sa PBA officials, mahiwaga
Tikom ang bibig ni Blackwater team owner Dioceldo Sy sa detalye ng kanilang meeting ni Philippine Basketball Association (PBA) commissioner Willie Marcial. Tanging sinabi lang ni Sy ay “satisfied” ito matapos humingi ng paumanhin sa kanyang nasabi noong isang Linggo matapos silang (Blackwater Elite) patawan ng parusa at multa ng PBA dahil sa pag-eensayo. […]
-
VP Robredo kontra sa panukalang pag-armas sa mga sibilyan
Magiging delikado umano at malaki ang tsansa na maabuso ang planong pag-aarmas sa mga civilian volunteers. Ito ang naging pagtaya ni Vice President Leni Robredo sa proposal ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ni Robredo na maraming mga insidente noong nakaraan na inaabuso ang nasabing pagdadala ng armas. Maraming mga […]
-
Pdu30, walang paki sa Pharmally
WALANG pakialam si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kung banatan man ng Senado ang kompanya na sumasailalim ngayon sa sinasabing nag-suplay ng overpriced medical goods sa gobyerno nang pumutok ang COVID-19 crisis noong nakaraang taon. Pilit kasing hinahanap ng mga senador ang namamagitang ugnayan sa pagitan nina dating economic adviser to the president Michael Yang […]