• January 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ilang palaro maari sa bansa – Jaworski

KUMPIYANSA si newly-elected International Olympic Committee (IOC) Executive Board Member at Repesentative to the Philippines Mikaela Maria Antonia ‘Mikee’ Cojuangco-Jaworksi na may kakayanan ang bansa na makapagtaguyod ng mas malalaking torneo, malaki pa sa nakaraang Disyembre na matagumpay na 30th Southeast Asian Games PH 2019.

 

“Hosting a sportsfest far bigger than the SEA Games last year can be a feasible undertaking for the Philippines,” pahayag ng opisyal sa panayam kamakailan ng pahayagang ito.

 

Tiwala siya sa mataas na kakayanan ng local organizers na mamahala ng mga paligsahan hindi lang ng Olympic Council of Asia (OCA), Southeast Asian Games Federation Council (SEAGFC)kundi maging ng IOC.

 

Aniya, mas magiging mahusay kung masasanay sa mga susunod na mga pagtataguyod pa ang mga Pinoy ng ilang mga okasyon o pagtitipon.

 

Aminado man na hindi naging perpekto ang bansa sa 11-nation biennial sportsfest, mas madaling matutunan ng mga nakabahagi sa hosting ang susunod na gagampanan pa sa mga posibleng malalaking torneo na aakuin aniya ng mga Pinoy.

 

“It’s very doable,” panapos na namutawi sa 2002 Busan Asian Games equestrian gold medallst na si Cojuangco-Jaworski sa asam na maidaos sa susunod na ilang taon dito ang Asian Indoor and Martial Arts Games (AIMAG), Asian Beach Games (ABG) at iba pa. (REC)

Other News
  • PBBM, nanawagan sa PAGCOR na ituloy ang commitment nito sa paglaban sa illicit activity

    NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na panatilihin ang commitment  nito na labanan ang illicit activities at tiyakin ang “responsible practices” sa loob ng  gaming industry, habang pinapanatili ang “social relevance.”     “Let this anniversary therefore be a call to the future—a future where PAGCOR is […]

  • Fajardo tatapatan ni Laput

    KAABANG-ABANG sa Online 36th Philippine Basketball Association (PBA) Rookie Draft 2021 sa parating na Marso 14 si James Laput.     May mensahe agad siyang pinarating kay six-time league Most Valuable Player June Mar Fajardo ng San Miguel Beer na halos singtaas niya – 6-10 ang sentro ng Beermen, 6-9 si Laput.     “My […]

  • FDCP, Ipagdiriwang ang Pinakaunang Philippine Film Industry Month ngayong Setyembre

    MAYNILA, PILIPINAS, AGOSTO 26, 2021 — Simula ngayong taon, ang Pilipinas ay opisyal na ipagdiriwang at gugunitain ang heritage, significance at legacy ng Philippine Cinema sa Philippine Film Industry Month ngayong Setyembre, ang buong buwan na taunang selebrasyon na isinautos ni President Rodrigo Duterte.       Ang Film Development Council of Philippines (FDCP), bilang nangungunang […]