• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ilang player ng PBA balik Gilas Pilipinas – Marcial

BALIK ang mga manlalaro ng Philippine Basketball Association (PBA) upang kumampanya sa national colors sa 2021 International Basketball Federation (FIBA) Asia Cup Qualifiers 2021 sa darating na Pebrero 18-22.

 

Final window na ng Qualifiers ang event na itataguyod ng ng Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc. ang mga laro sa Group A, na Bubble-style rin ang mga laro  sa Clark, Angeles City.

 

Nagtagumpay ang PBA bubble sa Pampanga, nakumpleto nang walang aberya ang 45th Philippine Cup 2020 na pinagkampeonan ng Barangay Ginebra San Miguel noong Oktubre 5-Disyembre 9.

 

Pinarating na sa PBA ni SBPI president Alfredo Panlilio ang muling paghiram ulit ng players sa propesyonal na liga.

 

Bukod sa limang nasa Gilas pool, puro collegiate players o mga bagong graduate ang bumuo sa Philippine quintet na inilaban sa huling window sa Bahrain nitong Nobyembre kung saan winalis ang Thailand sa dalawang laro.

 

“Nagsabi na si (SBP) president Al fredo Panlilio kung puwedeng gumamit ng PBA players,” pahayag Biyernes niPBA  commissioner Wilfrido Marcial. “Pinapayagan naman, kaya inusog na namin ‘yung PH Cup opening sa April 9.”

 

Kabilang sa mga nag-Gilas sa first round nitong Peb. 23 sa Jakarta laban sapinulbos na Indonesia  sina Christian Jaymar Perez, Roger Ray Pogoy , Justin Chua, Kiefer Isaac Ravena, John Paul Erram, Abu Tratter, at Jeth Troy Rosario. (REC)

Other News
  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 13) Story by Geraldine Monzon

    HINUBAD ni Roden ang kuwintas na nakasuot kay Angela at pinalitan iyon ng bagong kuwintas na binili niya para rito. Siya mismo ang nagsuot sa leeg nito. Unti-unting namang bumaba ang tingin ni Angela mula sa pagtanaw sa labas ng bintana hanggang sa nakalapag na kuwintas sa papag. Tila ba may nais itong ipaalala sa […]

  • DTI nagbigay ng cash aides sa Valenzuela MSEs

    SA pamamagitan ng Department of Trade and Industry’s (DTI) Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa (PPG) katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pamamagitan ng Local Economic Development and Investment Promotions Office (LEDIPO), ay mabibigyan ang Micro and Small Enterprises (MSEs) ng P10,000 bilang paunang puhunan para matulungan lumago ang kanilang maliit na negosyo.     […]

  • TONY, piniling mag-stay sa Dos dahil sa utang na loob

    ISA si Tony Labrusca na tumatanaw ng utang na loob sa ABS-CBN kaya nag-stay pa rin siya at hindi tumanggap ng projects sa ibang TV network.   “Ako po, pinag-pray ko talaga kasi honestly this time, gulung-gulo ako kung ano ang gagawin kasi ang daming lumilipat, honestly may mga naging offers ako sa ibang network […]