Ilang senador, “overreacting” sa pagkadismaya ni pdu30 sa banat nito laban sa senate hearing
- Published on September 21, 2021
- by @peoplesbalita
PARA kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, “overreacting” ang ilang senador sa pagkadismaya ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa nagpapatuloy na imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa pagbili ng medical supplies sa gitna ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic.
Sa kanyang commentary show na Counterpoint, nilinaw ni Panelo na hindi kailanman binantaan ng Pangulo ang mga miyembro ng Senate Blue Ribbon Committee na kabilang sa “gumigisa” sa mga opisyal ng pamahalaan hinggil sa di umano’y iregularidad sa pagbili ng Covid-19 emergency supplies.
“Nag-react na naman yung mga senador. Sabi nila, hindi raw sila natatakot sa pagbabanta ni Presidente. Teka muna, wala namang binabanta si Presidente. Kayo naman oh, bakit ba kayo overreacting,” ayon kay Panelo.
Ang pahayag na ito ni Panelo ay matapos na ipag-utos ni Pangulong Duterte sa kanyang mga Cabinet secretaries na kumuha muna sa kanya ng permiso bago dumalo sa Senate hearings.
Ang direktiba naman ng Pangulo ay makaraang magpahayag ito ng pagkadismaya sa pagsasagawa ng napakahabang pagding na ayon sa Chief Executive ay pagsasayang lamang ng oras ng mga government officials dahil sa naka-upo lamang ang mga ito ng ilang oras habang nakikinig sa daldalan ng mga senador na nais ang public exposure dahil sa nalalapit na halalan sa bansa.
Ang Pangulo, ayon kay Panelo ay nagbigay lamang ng bagong direktiba nito dahil hindi makapag-concentrate ang mga cabinet members sa kanilang ginagawa na labanan ang Covid-19 dahil kailangan nilang harapin ang mga senador.
“Ang sinabi lang naman ni Presidente, kasi nga napapansin niya, sinu-subpoena niyo ‘yung mga Cabinet member pagkatapos naka-tengga sila doon, mga pitong oras silang naka-standby doon, hindi rin sila nakakapagtrabaho, naghihintay kasi nga hindi pa sila natatawag ,” ayon kay Panelo.
Aniya pa, hindi naman pinipigilan ng Pangulo ang mga senador na magsagawa ng imbestigasyon sa paggamit ng pamahalaan sa public funds.
Nananatili rin aniya na “independent” at maipagpapatuloy ng mga senador ang kanilang mandato.
“Wala namang nagpipigil sa inyo,” ayon kay Panelo sabay sabing “Sabi nila, ‘Kami, nananatiling malaya, independent. Wala naman siyang sinasabing hindi kayo independent. Kayo naman oh. ‘Itutuloy namin ang aming mandato.’ Wala namang nagsabing ihinto ninyo ang mandato niyo .”
Nauna rito, tinawaga naman ni Senador Richard Gordon, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, si Pangulong Duterte na isang “cheap” politician.
Nakakuha naman ng suporta si Gordon mula sa Senate minority bloc, kabilang na si Senate Minority Leader Franklin Drilon, para sa “courage” o tapang nito na magasagawa ng Senate hearings. (Daris Jose)
-
Stevedore binaril sa ulo ng 2 lalaki, patay
DEDBOL ang isang 22-anyos na stevedore matapos barilin ng dalawang lalaki nangingikil at nambabanta sa mga trabahador sa Market 1 nang tumanggi umanong magbigay ng isda ang biktima sa mga suspek sa Navotas Fish Port Complex (NFPC), Navotas city. Ayon kay Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas, dead- on-the-spot si Roel Batiancila ng BGA […]
-
Speech sa SONA, fine-tuning na lang-PBBM
FINE-TUNING na lang ang ginagawa nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para sa magiging talumpati niya sa kanyang pangatlong State Of the Nation Address (SONA) sa darating na Lunes, Hulyo 22, 2024 sa Batasang Pambansang Complex sa Quezon City. “Tuloy tuloy pero yung kabuuan ng speech ko, tapos na. Fine-tuning na lang ang ginagawa […]
-
Creamline diretso sa Finals
MULING humataw si opposite spiker Tots Carlos para buhatin ang Creamline sa 23-25, 25-19, 25-18, 25-15 pananaig sa Choco Mucho at angkinin ang finals berth ng Premier Volleyball League (PVL) Open Conference kahapon sa Mall of Asia Arena. Nakalikom ang dating University of the Philippines standout ng 23 points kabilang ang 19 attacks […]