• April 28, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ilang taon na ring magka-loveteam: FRANCINE at SETH, nabigyan na ng pagkakataong magbida sa pelikula

ILANG taon na ring magka-loveteam pero ngayon lang nabigyan ng pagkakataon na magbida sa pelikula ang tambalang Francine Diaz at Seth Fedelin.

 

Unang nakilala at sumikat nang husto ang dalawa sa top-rating series na “Kadenang Ginto”.

 

Ngayon ay masayang-masaya raw ang fans ng tambalang FranSeth dahil magbibida na sila sa “My Future You” na malapit nang mapanood sa mga sinehan.

 

Sinisiguro naman nina Francine at Seth na talagang ikatutuwa ng kanilang mga tagahanga ang bagong proyekto.

 

“Excited na kinakabahan, excited kami and siyempre para mapanood na rin ng mga supporters namin ang lahat ng pinaghirapan namin para sa kanila.

 

“We did this with love and passion,” tuwang-tuwa namang paglalahad Francine sa isang interview sa kanya ng ABS-CBN news.

 

Banggit naman ni Seth na kagaya raw ni Francine ay sobrang excited rin daw siya pero sobrang kinalabahan.

 

“Sobrang excited, sobrang natutuwa and natural kinakabahan. Pero ‘yung kaba na ‘yon healthy naman siya kumbaga. Excited talaga kami, ‘yung family namin, friends namin, mga tao sa paligid namin sobrang excited rin,”sey naman ni Seth.

 

Ayon sa FranSeth ay talagang kaabang-abang ang bawat eksena na kanilang ginawa sa “My Future You.” Ibang-iba ang tema ng istorya nito kumpara sa mga seryeng nagawa ng dalawa noon.

 

“Dito po sa movie namin, hindi lang po siya pa-sweet talaga. Hindi kami nag-focus sa kung ano lang ang kilig na mayroon kami. Marami siyang mata-tackle na story about sa family, sa sarili po and of course sa special someone. “Para po sa akin siguro, isa sa aabangan n’yo kami siguro mas mature version na hindi na talaga siya para maglaro ng characters,” Dagdag pa rin ni Francine.

 

***

 

SOBRANG ingay at pinag pilitan ng mga supporters ng kilalang aktres na magkaroon Ito ng projects,.

 

Sa totoo lang naman May mga naka- tenggang proyekto ang beteranang aktres.

 

Hindi nga lang maipalabas dahil sa alam naman nila ang kadahilanan.

 

May mga nagmamalasakit pa rin naman sa aktres at pinapakiusap sa mga produ na mabigyan ng project si aktres.

 

Sa totoo nga lang naman medyo namayagpag pa rin ang mga kapanabayan ni aktres.

 

And from a source, meron sanang special role sa isang project ang aktres pero mukhang napagalitan pa siya.

 

Kagaya ng mga dating usapan na dapat may down payment bago mag-umpisa ay pumayag na ang mga nasa likod ng projects.

 

In fairness naman kasi kahit may mga demands si aktres, bukod sa health conditions ay iba pa rin ang dating pag kasama siya sa isang proyekto.

 

Pero mukhang mauudlot dahil mismong advertisers ang tumanggi.

 

Kaysa naman na-shelve ang project siyempre nagdesisyon si produ na huwag nang isama ang beteranang TV star.

 

 

 

(JIMI C. ESCALA)

Other News
  • Limited face-to-face classes sa mga low risk areas

    Binigyang diin ng Malacañang na ang pag-apruba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa limited face-to-face classes ay para lamang sa mga paaralang nasa ilalim ng low risk area classification o mga nasa modified general community quarantine (MGCQ) o nasa transition phase na ng MGCQ papuntang new normal.   Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, mayroon pa […]

  • Hidilyn Diaz nasa Uzbekistan na bilang paghahanda sa Tokyo Olympics

    Formality na lamang sa pagsali nito sa Tokyo Olympics ang pagsabak ni Filipina weightlifter Hidilyn Diaz kaya ito nasa Tashkent, Uzbekistan.     Sinabi ni Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP) President Monico Puentevella, na nasa Tashkent na si Diaz kasama ang dalawang coaches nito.     Magaganap ang Asian Weightlifting Championship sa Uzbekistan mula Abril […]

  • DILG, hinikayat ang LGUs na maghigpit sa pag-iisyu ng PWD IDs

    Hinikayat ni Interior Secretary Eduardo Año ang lokal na pamahalaan na mas maging mahigpit sa pagpapatupad ng pag-iisyu ng identification cards para sa persons with disabilities.   “Maganda ang intensyon ng batas pero mayroong mga taong gustong abusuhin ang pribilehiyong ibinibigay sa mga tunay na PWDs. LGUs should, therefore, be wary of such individuals who […]