• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Iligal na pinutol na mga troso, nasabat sa isang operasyon sa Bulacan

LUNGSOD NG MALOLOS – Nasabat ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Bulacan Environment and Natural Resources Office (BENRO) ang 33 piraso ng mga pinutol na iligal na troso sa isang operasyon na pinangunahan ng Provincial Anti-Illegal Logging Task Force (PAILTF) sa Sitio Balikiran, Brgy. Kabayunan, Doña Remedios Trinidad, Bulacan noong Nobyembre 18, 2021.

 

 

Ayon sa composite team, agad na tumakas ang mga suspek sa lugar kung saan ang mga nakumpiskang troso ng red at lauan tree species na may sukat na 562.99 board feet na tinatayang nagkakahalaga ng P28,150 ay winasak sa mismong lugar.

 

 

Sa kabilang banda, natukoy ngayong taon ng CENRO-Baliwag ang 38 na indibidwal na nasa ilalim ng imbestigasyon dahil sa pagkakasangkot bilang financiers ng illegal logging kung saan sila ay sasampahan ng mga kasong kriminal alinsunod sa Executive Order No. 23, Declaring the Moratorium on the Cutting and Harvesting of Timber in the Natural and Residual Forests, and Section 68 of Presidential Decree 705 as amended by Republic Act 7161 or the Revised Forestry Code of the Philippine.

 

 

Sinabi naman ni Gobernador Daniel R. Fernando na ipagpapatuloy ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang kampanya upang matigil ang illegal forestry activities sa lalawigan.

 

 

“Layunin natin na palakasin pa ang mga hakbang at istratehiya upang mapangalagaan at mapanatili pa natin ang mga kagubatan dito sa ating lalawigan . Sa pakikipag-ugnayan sa iba pang mga law enforcement agencies, gagawin natin ang mga nararapat na aksyon upang matigil na ang mga ilegal na aktibidad gaya ng timber poaching, illegal cutting, charcoal-making at iba pa na nakasisira sa ating likas na yaman,” anang gobernador.

 

 

Inilunsad ang forest protection work at operation sa pagtutulungan ng BENRO, Angat Watershed Area Team of the National Power Corporation at 70th Infantry Battalion of the Philippine Army. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Bukod sa big-budgeted movie na ‘Firefly’: DINGDONG, balitang may gagawin din sa Star Cinema kasama si MARIAN

    MAGIGING busy na nga ba ngayon ang Kapuso Royal Couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera?       Unang nag-post sa Instagram si Marian ng “Hello flower lovers!  It’s Marian  of Flora Vida, and I’ve got exciting news for you.  Out new color is blooming, and it’s the rich and sultry maroon!  Plus, we’re […]

  • LTFRB: 2,000 UV Express units balik kalsada

    HALOS mayroong 2,000 UV Express units ang pinayagan muli ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na bumalik sa kanilang operasyon.   Ayon sa LTFRB may kabuohang 6,755 na UV Express units ang magkakaron ng operasyon sa 118 na pinayagang ruta sa Metro Manila matapos ang huling batch ng 2,428 na units maging operational. […]

  • Ads January 17, 2020