Ilongga scientist na nakatuklas ng gamot sa diabetes, nasa ‘Young Shapers of the Future’ ng Britannica
- Published on March 4, 2022
- by @peoplesbalita
NAPABILANG sa listahan ng Young Shapers of the Future 2022 ng Britannica ang isang Ilongga scientist na nakatuklas ng gamot sa diabetes gamit ang prutas na aratiles.
Sa panayam kay Maria Isabel Layson, 18-anyos na kumukuha ng kursong BS Chemistry sa University of the Philippines-Visayas, sinabi nito na labis ang kanyang kagalakan na kinilala ang kanyang pananaliksik na layuning makahanap ng iba pang gamot laban sa diabetes.
Ayon kay Layson, sinimulan niya ang pananaliksik sa aratiles noong nag-aaral pa sa Iloilo National High School-Special Science Class program.
Ipinagpatuloy niya ito sa Food and Nutrition Research Institute laboratory sa Manila at nadiskubre ang antioxidant compounds na maaaring gamot sa nabanggit na sakit.
Noong May 2019, ikinatawan niya ang bansa sa Intel International Science and Engineering Fair sa Phoenix, Arizona, kung saan ipinresenta nito ang nasabing pag-aaral.
Sa pareho ring taon, nanalo siya ng Best Individual Research in Life Science sa National Science and Technology Fair ng Department of Education.
Napag-alaman na inspirasyon ni Layson sa kanyang pananaliksik ay ang lolo nito na namatay dahil sa diabetes kung kaya hindi na niya ito nasilayan.
-
DBM, naglaan ng P2.2 bilyong piso para sa mga programa ng DoE sa taong 2023
NAGLAAN ang Department of Budget and Management (DBM) ng P2.2 bilyong piso para sa tustusan ang iba’t ibang programa ng Department of Energy (DOE) para sa taong 2023. Sinabi ng DBM na ang nasabing halaga ay “in line with the government’s bid to ensure affordable and clean energy supply in the country.” […]
-
MM Mayors, handa na para sa pagsisimula ng A4 vaccination
HANDA na ang Metro Manila mayors para sa pagsisimula ng A4 vaccination. Sa katunayan ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos Jr., sa virtual press briefing ni Presidential Spokesperson Harry Roque na sinisimot na ng Local Government Units (LGUs) ang pagbabakuna sa A1 hanggang A3 group. “Well, yes, handa na […]
-
Non-uniformed policemen, ipapakalat ng Philippine National Police para sa papalapit na holiday season
NAKATAKDANG magpakalat ng non-uniformed policemen ang Philippine National Police sa mga matataong lugar tulad ng divisoria, tiangge, plaza at iba pa bilang bahagi ng pagpapanatili sa seguridad lalo na ngayong papalapit na ang holiday season. Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo, ito ay bukod pa sa itatalagang kapulisan sa mga police assistance […]