• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘I’m 100 percent sure, Pacquiao cannot knock me out’ – Ugas

Nagyabang ang Cuban WBA welterweight champion na si Yordenis Ugas na hindi siya kayang patumbahin lalo na ng Pinoy ring icon na si Manny Pacquiao.

 

 

Ayon kay Ugas, 35, matagal na panahon na siyang pinanday sa pagboboksing lalo na noong siya ay nasa amateur boxing pa lamang.

 

 

Ginawa ni Ugas ang pahayag sa final press conference kanina sa Las Vegas, tatlong araw bago ang big fight sa Linggo.

 

 

“I’m 100 percent sure he cannot knock me out,” ani Ugas sa pamamagitan ng interpreter. “I’ve done all the work and preparation. Over this past 6 years you know… I’ve been really hitting my strides and I don’t think Manny Pacquiao can knock me out.”

 

 

Sagot naman ni Pacquiao, 42, pagkakataon na ito upang malaman ng mundo kung kanino ba talaga nararapat ang korona sa WBA welterweight division.

 

 

“Its a good thing we can settle it down the dispute about the WBA belt,” wika naman ni Pacman.

 

 

Samantala, matapos ang press conference nagharapan ang dalawa para sa staredown bitbit ang tig-isang championship belt.

Other News
  • Centaurus Omicron subvariant, nakapasok na sa Pinas

    NANINIWALA ang mga eksperto na maaring nakapasok na sa bansa ang bagong BA.2.75 o Centaurus Omicron subvariant.     Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research Group, ang inaasahan nilang posibleng peak o pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa Metro Manila ay hindi pa nangyayari at patuloy pa sa pagtaas ang mga kaso.   […]

  • Pagdeklara kay PATAFA Prexy Philip Juico na persona non grata,’null & void’ at wala sa POC jurisdiction -PATAFA chairman

    Tiniyak na Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) na hindi nila palalagpasin ang ginawang hakbang ng Philippine Olympics Committee kung saan kinatigan ang umano’y ‘harassment case’ na idinulog ni Olympian pole vaulter EJ Obiena laban sa kanilang presidente na si Philip Juico.     Ito’y mayroong kaugnayan sa POC ethics committee investigation findings na […]

  • Ads June 29, 2022